Iba’t ibang sakit, discomfort tuwing may regla

Ang menstruation o regla ay isang natural process na nangyayari sa mga babae habang sila ay nasa kanilang reproductive age, kadalasang nagsisimula sa maagang bahagi ng kanilang pagiging teens at nagpapatuloy hanggang sa mag-menopause o matapos ang pagre-regla.

Ang karanasan – pananakit at mga discomfort – ay iba-iba sa bawat babaeng dinadatnan ng buwanang dalaw. Ang kadalasang karanasang ito ay tinatawag na dysmenorrhea.

Tipikal na nararanasan ang sakit sa ibabang bahagi ng tiyan at ang level ng sakit na ito ay mula sa mild cramping o bahagyang pamumulikat hanggang sa sobrang sakit na hindi na komportable ang pagkilos.

May mga babae rin na nakararanas ng pananakit ng likod, pananakit ng mga binti, hita, ulo na maaaring magtagal ng ilang araw. May ilan ding nakararanas nito bago pa datnan ng regla bilang mga sintomas.

May iba ring mga babae na sobrang duguin na hindi na makakilos nang normal dahil sa panghihina.

 

Iba pang pananakit at discomfort

– hindi normal na pagdudumi

– pananakit o pamamaga ng suso

– paiba-iba ng mood o pag-uugali

– iritable

– pagkapagod o panghihina

– pagkamainisin

 

Mga remedyo sa sakit

– pain relievers tulad ng ibuprofen o acetaminophen. Sundin lamang ang rekomendadong dosage. Itigil ang pag-inom kung may malalang side effects

– paggamit ng heating pad o towel na may init mula sa maligamgam na tubig at ilagay sa lower abdomen

– pagsasagawa ng magaang na exercise (paglalakad o kaunting stretching) para magkaroon ng maayos na sirkulasyon ng dugo at mabawasan ang sakit na nararanasan

– pagsasagawa ng relaxation technique tulad ng paghinga nang malalim o meditation para mabawasan ang stress at magkaroon ng pagkalma ng isipan at katawan

– pagkonsulta sa doktor para sa mas tama at ganap na remedyo sa hirap at sakit na nararanasan