Iba’t ibang nutrients na makukuha sa talong

Maraming nag-aakala na walang sustansyang nakukuha sa talong. Kinalakihan kasi natin ang impormasyon na tubig lamang ang makukuha rito.

Technically, ang talong ay isang uri ng prutas dahil galing ito sa flowering plant (nightshade family tulad ng kamatis at peppers) na may mga buto. Marami itong health benefits na maibibigay tulad ng antioxidants na laban sa pamamaga na may abilidad din para protektahan ang cells sa pagkasira.

 

Iba pang health benefits ng talong

– Low in calories and high in fiber

– Good source of vitamins and minerals, kabilang ang vitamin C, vitamin K, vitamin B6, at potassium

– Good source ng phytonutrients, specifically chlorogenic acid, which is believed na may anti-cancer, antimicrobial, at anti-inflammatory properties

– Ang fiber content sa talong ay maaaring tulong sa panunaw at nagpo-promote ng gut health at kalusugan ng puso

– Ang low-calorie content sa talong ay magandang option sa nagbabawas ng timbang para maging healthy

– Nagpapaganda ito sa pagkontrol ng blood sugar level

– Mabuting panlaban sa health conditions like anemia

– May natural chemical ito na phytonutrients na nagpapaganda sa functions ng utak. Nagpapahusay sa blood flow sa buong katawan at utak. Pinapabuti ng phytonutrients ang memorya sa pamamagitan ng pagtaas ng daloy ng dugo sa utak at pagtataguyod ng paglaki ng mga bagong neural pathway.