Hunyo 12, deklaradong pista opisyal

Sa ilalim ng Proclamation No. 368 na nilagdaan noong Oktubre 2023, idineklara ang Hunyo 12, 2024 na isang pista opisyal o regular holiday. Ito ay paggunita at pagdiriwang sa ika-126 taon ng Araw ng Kalayaan.

Samantala, sa araw ding ito ay suspendido ang expanded number coding scheme ng Metropolitan Manila Development Authority.

 

Sahod sa regular day

Kaugnay din nito, naglabas ng abiso ang Department of Labor and Employment sa kaukulang pagbabayad ng suweldo sa mga mangggagawang papasok sa kanilang mga trabaho para sa regular holiday.

Alinsunod sa Proclamation No. 368, Series of 2023, kung mag-uulat ang mga manggagawa para sa tungkulin o binigyan ng bayad na leave of absence sa araw bago ang holiday, babayaran pa rin sila ng 100% ng kanilang pang-araw-araw na sahod kahit na pinili nilang hindi magtrabaho sa isang regular na holiday.

Kinakailangang bayaran ng kompanya ang empleyado ng 200% ng kanilang pang-araw-araw na kita para sa unang walong oras ng trabaho na natapos sa isang regular na holiday.

Kung ang isang empleyado ay nagtatrabaho nang higit sa walong oras sa isang araw, tatanggap siya ng karagdagang 30% ng hourly rate mula sa kompanya.