Hulyo 24: Special non-working holiday sa Maynila

Idineklarang isang special non-working holiday sa Lunes, Hulyo 24 sa lungsod ng Maynila.

Ang deklarasyon ay mula sa Palasyo ng Malacañan para sa pagdiriwang ng ika-453 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Maynila. Ito ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Gayunman, ang mga manggagawa sa mga departamento ng gobyerno, opisina, ahensya, at pag-aari o kontroladong negosyo ng gobyerno na may emergency na pangangalagang medikal, pulis, seguridad, proteksyon sa sunog, custodial, rescue, at iba pang uri nito ay dapat na sumunod sa mga regular na oras ng negosyo o trabaho upang maglingkod sa publiko.

Noong Hunyo 24, 1571 ay itinatag ang Maynila ni Miguel Lopez de Legazpi. Ito ay sa panahon na nasasakop pa ang bansa ng España at si Legazpi ang siyang kolonyal na opisyal ng mga Español.