Huling Rakrakan Festival sinulit ng rock enthusiasts

Si Ely Buendia ang bida sa Day 2 ng huling Rakrakan Festival na ginanap noong Nobyembre 2023.

Sinulit at hindi nagpaawat ang publiko sa 2-araw na huling Rakrakan Festival sa taong ito na ginanap sa SMDC Festival Grounds, Parañaque City noong Nobyembre 25 at 26.

Sa Day 1, nag-enjoy nang husto ang rock fans sa husay ni Rico Blanco na bumida sa entablado. Ilan sa naging band performers dito ay ang Subculture, Dionne, Jana Garcia, Tanya Markova, Mojofly, December Avenue, Munimuni, Hilera, Orange & Lemons, The Youth, Razorback, Saydie, Kjwan, Siakol, at iba pa.

Sa Day 2, sumabay din ang fans mula sa iba’t ibang henerasyon sa music icon na si Ely Buendia. Nakalinya rin dito ang iba pang music artists na sina Kean Ciprano, Agaw Agimat, Zild, Juan Karlos, Sandwich, 6 Cyclemind, Brownman Revival, at marami pang iba.

Zild

Ilan sa mga tinugtog ni Ely ay ang popular pa ring Huling El Bimbo, Overdrive, Pare Ko, at Magasin.

Ang Rakrakan Festival ay isang music and arts festival. Tampok dito ang iba’t ibang extraordinary music genres mula sa 150 music artists.

Maliban sa walang humpay na tugtugan, naging aktibidad din dito ang Skate Clinic & Competition, Street Art Competition, Busking, Cosplay, Rap Battle, Car Show, at iba pa kaya hindi naubusan ng mga aktibidad ang publiko na tutunghayan. Ang event venue ay nagkaroon ng tatlong stage: Center, Mosh, at Peace Stage maliban pa ang mini stages.