Hubad na katotohanan: Mga benepisyo ng pagtulog nang nakahubad

Ayon sa ibang pag-aaral, ang pagtulog nang naka-hubad ay may magagandang benepisyo sa katawan at isipan.

Ang mga benepisyong ito ay maaaring ikonsidera, pag-isipan bago gawin. Ito ang mga benepisyo ng pagtulog nang hubo’t hubad:

– Mas gumaganda ang sirkulasyon

– Mas nakahihinga ang balat, kalamnan, katawan lalo na sa mga babae

– Mas maganda ang tulog

– Mas mabilis makatulog dahil presko ang pakiramdam

– Napagaganda nito ang pananaw sa buhay

– Tumataas ang self-esteem (kumpiyansa, respeto, at pagbibigay-halaga sa sarili)

– Mainam sa reproductive health

– Maganda sa kalusugan ng pribadong parte ng kababaihan dahil ang pag-usbong ng Candida yeast sa kanilang ari ay naiiwasan. Ang yeast infection (isang fungal infection) na dulot ng labis na Candida ay maaaring magpaalab sa mucous membrane, na nagreresulta sa pananakit at pangangati. Kapag hindi sapat ang sirkulasyon ng hangin, na kadalasang sanhi ng masikip o sintetikong panty o underwear, ay nagpapataas ng panganib ng yeast infection. Ang pag-iwas sa pagsusuot ng masikip o hindi komportable na underwear habang natutulog ka ay maaaring mapabuti ang kalusugan ng ari sa pangkalahatan.

– Sa mga kalalakihan, bagaman hindi pa ito ganap na nasasaliksik, ang pagtulog nang hubo’t hubad ay maaaring magpataas ng fertility. Ayon sa pananaliksik, ang pagsusuot ng masikip na damit na panloob ay nagpapataas ng init ng scrotum (bayag), na maaaring magpababa sa kalidad at dami ng sperm o semen (tamod). Ang pagsusuot ng boxers bilang kabaligtaran sa mas mahigpit na kasuotang panloob ay maaaring makaapekto sa konsentrasyon ng mga sperm na lalaki. Higit pa rito, may patunay na ang kalusugan at motility ng sperm ay direktang naaapektuhan ng paglamig ng scrotal.

Sa magkapareha o mag-partner, tumataas ang feelings, fulfillment o koneksyon ng dalawa. Dahil sa skin-to-skin contact naroon ang pakiramdam na nababawasan ang stress. Dahil din dito ay nababawasan ang anxiety o pagkabalisa.

Mga dapat gawin bago ang pagtulog nang hubo’t hubad

– siguraduhing naka-lock ang kuwartong tinutulugan

– siguraduhing malinis ang katawan para mas presko

– siguraduhing walang kalat sa paligid ng tutulugan

– siguraduhing may kahit underwear na suot kapag ikaw ang tipong naglalakad nang tulog

– sa mga magsisimula pa lamang gawin ang matulog nang hubad, magsimula muna sa pagsuot ng manipis, mahabang tee shirt o magsuot ng underwear (panty o brief, boxers, bra) at unti-unting maging hubad o hanggang sa masanay na matulog nang walang suot.

– huwag gawin ang matulog nang hubad kapag may ibang kasama sa kuwarto