Hop On, Hop Off bus tours ng DOT inilunsad

Sa paglulunsad ng Hop-on, Hop-off na proyekto ng Department of Tourism, pinangunahan ito ni Secretary Christina Garcia-Frasco noong Mayo 28 sa Glorietta sa Makati City. Nagkaroon ng maiksing tour dito sa mga piling atraksyon sa lungsod. (Kuha ng Bilibb)

Pormal na ipinakilala ng kalihim ng Department of Tourism (DOT) na si Christina Garcia-Frasco ang pinakabagong proyekto ng ahensya para pagbutuhin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng Hop On, Hop Off Tours na nagkaroon ng short preview at inisyal na paglulunsad sa Glorietta 2 sa Makati noong Mayo 28.

“Today is a happy and historic day for Makati, for the Philippines as we launch the very first Hop On Hop, Off Tours. Where else but in the city that has always led in leadership, good governance, and innovation – Makati City,” panimula ni Frasco. “Post-pandemic trends of travel have continued to evolve. People search for experiences that go beyond adventure, fun, and search for meaning. And that is why the Hop-On Hop-Off tours gives opportunities for our tourists not only to be reminded of the spirit of modernity and innovation that Makati has always been known for, but also to get to know the soul of your city that lies in your hidden gems, in your museums, in the many stops that are covered by this tour that will allow our tourists–domestic and international alike– to get to know the people of Makati, to get to know your rich history, culture, and heritage.”

Si Department of Tourism secretary Christina Garcia-Frasco habang masayang ipinakikilala ang pinakabagong proyekto ng ahensya na Hop-On-Hop-Off Tours Activity Center ng Glorietta 2 sa Makati City. Ang proyekto ay inaasahang makatutulong para pagtibayin ang turismo at ekonomiya ng bansa. (Kuha ng Bilibb)

Napiling pilot launch ang lungsod dahil sa positibong imahe nito sa turismo. Sa 2022 tally, nakapagtala ang DOT ng 5.3 milyong overnight tourists sa Metro Manila kung saan ang Makati City ay pangatlo sa 17 LGUs na may pinakamataas na bilang ng overnight arrival na 969,927 turista.

Bilang bahagi pa ng proyekto, nakatakda rin itong ilunsad sa lungsod ng Maynila na maaaring maganap sa Hunyo.

“This is an effort that we wish to replicate in all the other areas in Metro Manila and this is just the beginning. Under the administration of President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., he has prioritized tourism development and that means a whole-of-government approach towards the transformation the tourism industry, focusing not only in the promotion of our country, which we are continuing to do vigorously around the world, but also more importantly, to give our country a fighting chance at standing shoulder to shoulder with our ASEAN neighbors, addressing the essential pillars of tourism–infrastructure, connectivity, digitalization, innovation, and all these other essential modes of development that will finally give the Philippines an opportunity to become the tourism powerhouse that it can be,” ayon pa kay Frasco.

Sa isinagawang paglulunsad, nakiisa rito ang mga opisyal ng lungsod na sina Representative Romulo Peña Jr., Representative Luis Campos, at Vice Mayor Monique Lagdameo, Head of International Relations Ichi Yabut, DOT officials na sina Undersecretary Shahlimar Hofer Tamano, OIC-Undersecretary Verna Buensuceso, Assistant Secretary Maria Rica Bueno, at DOT-National Capital Region Director Sharlene Zabala-Batin.

Kapag ang Hop On, Hop Off sa Makati ay ganap nang gumagana, magkakaroon ang mga turista na sumakay sa designated bus ng DOT sa ilang mga lugar sa lungsod upang samantalahin ang mga pangunahing atraksyon at aktibidad nito batay sa itinakdang mga schedule na binuo ng DOT-NCR team.

Ang proyekto ay bunga ng inspirasyon ng ahensya mula sa mga kilalang hop on hop off bus ng Abu Dhabi, Argentina, London, Madrid, New York, at Singapore.

Ang reloadable na EMV-capable cards na gagamitin ng mga turista para sa Hop On, Hop Off trip ng Department of Tourism. (Kuha ng Bilibb)

Ang bus tours ay magtatampok ng dedikadong website na may lahat ng mahahalagang impormasyon, isang reloadable na EMV-capable card, at para sa kumpletong tourist experience, mayroon itong isang mobile app para sa pag-book ng mga tour, paggawa ng cashless payment, GPS networked-bus arrival monitoring at mga video guide, impormasyon sa mga hotel, pagkain, at mga mangangalakal ng turismo.

Sa bawat paghinto ay may opsyong bumili ng mga personalized at guided tour. Ang presyo ng Hop On, Hop Off trip ay humigit-kumulang P1,000 bawat tao.

Nasa okasyon din sina Tourism Congress of the Philippines President Bob Zozobrado, Philippine Tour Operators Association President Fe Abling-Yu, Ayala Malls Head of Marketing and Communications Chrissy Roa, at Marinel Barquin Lee ng Positive Exposure, ang integrator ng Hop On, Hop Off Tours project.