Hearts & Hands blind massage sa Tagaytay magbubukas na

Isang livelihood project para sa PWDs 

Ang ikalawang sangay ng Hearts & Hands ay magbubukas na sa Nobyembre 30, 2022. Ito ay isang blind massage parlor na bukas para sa lahat sa touristy at pleasantly cool na Tagaytay City.

Ang Hearts & Hands na nasa pamamahala ng Embrace, isang non-stock at non-profit organization na nakatuon na tumulong sa differently-abled, o persons with disability (PWDs), ay nagbibigay sa kanila ng napapanatiling pagkakataon sa kabuhayan.

Ang propesyunal na massage therapists sa Hearts & Hands ay mga may kapansanan sa paningin at nilagyan ng mga kinakailangang kasanayan sa pagbibigay ng pinakamataas na kalidad na mga uri ng masahe.

Ang pioneer branch ng Hearts & Hands ay nagbukas walong buwan na ang nakalilipas, ito ay noong Marso 1, 2022, sa Central Star Building, Central Avenue, sa Quezon City.

Ang pinakabago at ikalawang sangay nila ay matatagpuan sa isang picturesque at tranquil area sa kahabaan ng Bonifacio Drive, Silang Junction North, sa Tagaytay City — kaharap ng Embrace Café.

ANG PAGSISIMULA NG EMBRACE

Itinatag ang Embrace noong 2017 sa isang proyekto: Isang coffee shop na tinawag na Embrace Café na matatagpuan sa grounds ng New Era University (NEU) Main Campus Integrated School sa Quezon City, upang pagsilbihan ang mga estudyante rito.

Lima pa lamang noon ang mga manggagawa ng Embrace Café — na mga differently-abled. Simula noon, mabilis nang lumago ang Embrace Café.

Sa loob lamang ng limang taon, nagkaroon na agad sila ng 11 branches sa buong bansa at napayabong pa ito sa pagkakaroon ng apat na major livelihood projects, kabilang ang Embrace Bakeshop, Embrace Farm, Embrace Volunteers Center, at ang Hands & Hearts Blind Massage.

ANG VISION AND MISSION NG EMBRACE

Ang core values ng Embrace ay ang paggalang, pagtanggap, pagsuporta, pagsasama, at pagmamahal sa lahat, kabilang ang mga may kapansanan.

Ang mga PWD ay kabilang sa mga mahihinang grupo ng lipunan na nangangailangan ng suporta at paghihikayat. Layunin ng Embrace na mabigyan sila ng isang kasiya-siyang trabaho, kasabay nito ay ang pagbibigay ng kamalayan sa kalagayan ng ating mga kababayang PWD.

Malaki ang kontribusyon ng mga proyektong humanitarian ng Embrace sa pag-mainstream ng trabaho sa PWDs. Sa ganitong paraan, matatamasa nila ang seguridad sa trabaho at pantay na oportunidad na makukuha sa bansa.

Sa pagbubukas ng bagong sangay ng Hearts & Hands, ang Tagaytay ay tahanan na ngayon ng lahat ng apat na pangunahing proyektong pangkabuhayan ng Embrace: café, bakeshop, farm — at ngayon, isang massage parlor. Ang patuloy na paglaki at pagpapalawak ng Embrace ay nangangahulugan ng mas napapanatiling mga pagkakataon sa kabuhayan para sa mga Pilipinong PWD.

BISITAHIN ANG HEARTS & HANDS SA TAGAYTAY 

Ang Tagaytay ay isang magandang puntahan kalapit ng Metro Manila kung nais ninyong mag-unwind at magpahinga. At ang mas magandang paraan para makapagdagdag ng relaxation sa inyong biyahe ay magkaroon ng karanasan ng magandang masahe mula sa Hearts & Hands?

Ang masahe ay nagbibigay ng maraming benepisyo sa ating kalusugan, tulad ng pagbabawas ng stress, pagpapabuti ng sirkulasyon, pagpapababa ng presyon ng dugo, at pagpapagaan ng sakit at tensyon, bukod sa marami pang iba.

Sa pamamagitan ng pagkuha ng inyong kailangang-kailangan na masahe mula sa mga propesyonal na sight-challenged massage therapist sa Hearts & Hands, nagbibigay kayo ng tulong sa ating mga kababayan na PWD, gayundin ang pag-aambag sa pag-normalize ng pantay na mga oportunidad sa trabaho sa lahat, at pagtulong sa paglaban sa kahirapan—lalo na sa iba na may kakayahan.