Health benefits ng sibuyas

Ang sibuyas ay isang uri ng gulay. Ito ay nasa Allium family of plants na kinabibilangan ng chives, bawang, at leeks.

Taglay ng sibuyas ang maraming antioxidant at mga compound na naglalaman ng asupre. May kaugnayan ito sa pagpapaba sa peligrong dala ng kanser, mas mababang blood sugar level at mabuting kondisyon ng mga buto.

Ano pa ang mayroon sa sibuyas?

Mababa ang pH (acidic nature) ng sibuyas at mababa rin ito sa protein content, ibig sabihin ay hindi ito ideal na breeding ground para sa germs, viruses at pathogens (infectious agent).

Mahalaga ring isipin na kailangang malinis ang inyong refrigerator at alam kung ano ang tamang paglalagay dito ng mga pagkain.

Sibuyas mataas sa flavonoids

Tulad ng ibang matitingkad na kulay na mga prutas at gulay, ang sibuyas na pula ay mas mataas sa flavonoids (antioxidant pigment) kumpara sa dilaw at puting klase nito. Mayroong 21 uri ng sibuyas, at ang lahat ng ng mga ito ay nagtataglay ng quercetin na may anti-inflammatory at anti-histamine benefits.

Iba pang health benefits ng sibuyas

– Nagpapabuti ng immune system

– Nagpapaganda ng kalusugan ng panunaw

– Magandang source ng Vitamin C na maaaring makasuporta sa pagbuo at pagmantina ng collagen na nagbibigay ng structure sa buhok at kutis

– Mayaman din sa vitamin B6, potassium, folate, iron

– May small amounts ng calcium, magnesium, phosphorus, sulfur (na antioxidant)

– Mababa sa calories

– Kayang i-regulate ang blood sugar level

– Nakapagpababa ng cholesterol

– Detoxifying

– Umaaktong anticoagulant, substance para maiwasan at malunasan ang blood clots sa blood vessels at sa puso. Tinatawag din itong pampanipis ng dugo.

– Pampaiwas sa tooth decay at oral infections

– Nagbu-boost ng libido at sex drive

– Nagpapabawas ng peligro ng anemia at cancer

– Pinapawi ang mga sintomas ng sore throats at pag-ubo

– Mayroon itong quercetin, isang plant pigment na maaaring magbigay ng proteksyon laban sa cardiovascular disease, mahusay sa kalusugan ng utak, at nagbibigay ng proteksyon mula sa liver at kidney damage. Maaari rin nitong mapababa ang peligro sa pagbuo ng ibang klase ng cancer at nakatutulong laban sa allergies gaya ng asthma at hay fever

– Mayroon itong myricetin na isang miyembro ng flavonoid class ng polyphenolic compounds, na may mga katangian ng antioxidant. Pumuprotekta ito sa cells sa pagkasira at maaaring magbigay ng proteksyon mula sa cancer at diabetes

Luto man o hilaw, magandang ang benepisyong naibibigay ng sibuyas sa kalusugan. Ngunit ayon sa pag-aaral ang hilaw na sibuyas ay may mataas na levels ng organic sulfur gaya ng nabanggit sa itaas.

Ang allergy sa sibuyas ay bibihira. Ang klase ng mga taong hindi puwede sa sibuyas (o sa marami nito) ay may digestive issues kabilang ang heartburn o acid reflux.