Hannah Arnold tuloy na sa Miss International

Si Hannah Arnold, isang Filipino-Australian model at beauty pageant titleholder para sa titulong Binibining Pilipinas International 2021. Si Arnold ang kakatawan sa bansa sa paglahok nito sa Miss International 2022 na gaganapin sa Japan. (Kuha ng Bb. Pilipinas)

Makalipas ang dalawang mahabang taon ng paghihintay, mabibigyan na ng katuparan ang matagal nang pangarap ni Hannah Arnold na maisuot ang Philippine sash at i-represent ang bansa sa paglahok nito sa Miss International na gaganapin sa Japan.

Dalawang taong naantala ang patimpalak dahil sa pandemya kaya’t naisalin na ni Hannah ang kanyang titulong Bb. Pilipinas International kay Nicole Borromeo ng Cebu noong July 31, 2022 kahit ‘di pa siya nag-compate sa Miss International. Si Nicole naman ang lalahok sa susunod na taon.

Si Hannah Arnold (gitna) kasama ang mga Bb. Pilipinas 2022 reigning queens at Miss International 2005 Lara Quigaman, BPCI Executive Member. (Kuha ng Bb. Pilipinas)

Si Hannah ay binigyan ng isang despedida presscon, Nov. 15, 2022 ng Bb. Pilipinas Charities Inc. o BPCI sa Novotel, Manila sa Araneta City. Ito ay dinaluhan ng reigning Bb. Pilipinas 2022 beauties at former Miss International 2005 Precious Lara Quigaman – Alcaraz na isa nang miyembro ng BPCI Executive Committee.

Si Hannah Arnold kasama si Miss International Precious Lara Quigaman at anak nitong si Noah. (Kuha ng Bb. Pilipinas)

Malaki ang magiging misyon ni Hannah sa contest dahil susubukan niyang sundan ang tagumpay ng anim ng Filipinang naging Miss International na sina Gemma Cruz, 1964, Aurora Pijuan 1970, Melanie Marquez, Precious Lara Quigaman 2005, Bea Rose Santiago 2013 at Kylie Verzosa 2016.

Ang Miss International 2022 ay gaganapin sa December 13, 2022 sa Tokyo Dome City Hall, Tokyo, Japan.

Sina Bb. Pilipinas 2021 at 2022 Hannah Arnold at Nicole Borromeo. (Kuha ng Bb. Pilipinas)
Si Hannah Arnold habang ipinapasa ang koronang Bb. Pilipinas International kay Nicole Borromeo. (Kuha ng Bb. Pilipinas)