May aasahang pagtaas sa presyo ng gasolina at diesel na maaaring umabot ng halos piso o nobenta sentimos kada litro ng mga ito sa paparating na Pebrero 18 kung saan ang ibang mga kompanya ng langis ay magtataas sa ganap na ika-6:00 ng umaga.
Ang tinatayang paggalaw ng mga presyo ng mga sumusunod:
Gasoline: P0.70 – P0.90 kada litro
Diesel: baba ng P0.60 – P0.80 kada litro
Kerosene: baba ng P0.00 – P0.20 kada litro
Ang patuloy na sanction ng Estados Unidos sa oil sectors sa Russia at Iran ang itinuturong dahilan kung bakit magtataas ng presyo sa mga produktong petrolyo. Kabilang ding dahilan ang umiinit pang tensyon sa Gitnang Silangan.

