Halaga ng Día del Galeón kinilala ng Mama Sita Foundation

Isa sa mga grupong nakibahagi sa tree planting na pinangunahan ng Mama Sita Foundation kaugnay ng selebrasyon ngayong taon ng Dia del Galeón ay sina (mula sa kaliwa) Dianne Agnes Cristobal, President ng Philippine Association of Condiments Producers, Inc; Atty. Christopher Lawrence Arnuco, Manager ng SEAMEO INNOTECH; Nur Farahliza Putri Naaim Yazid, Counsellor ng Embassy of Malaysia; Cheryl Marie "Ching" Natividad-Caballero, Undersecretary para High-Value Crops ng Department of Agriculture; at si Clara Lapus, Presidente ng Mama Sita Foundation. (Kuha ni Ann Esternon)

Bilang pagkilala sa kahalagahan ng Día del Galeón, nagsagawa ang Mama Sita Foundation ng “Symbolic Coconut Tree Planting for ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) Solidarity” noong umaga ng Oktubre 8 sa Likhang Filipino Exhibition Halls sa Roxas Boulevard, Pasay City.

 

Halaga ng Dia del Galeón

Isa sa pinahahalagahang kasaysayan ng bansa ay ang Dia del Galeón o Araw ng Galyon, na ipinagdiriwang tuwing Oktubre 8. Kinilala ng UNESCO o United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization noong 2009, ito ay ginugunita ang pagsisimula ng ruta ng Manila Galeón noong Oktubre 8, 1565 na nagmarka ng simula ng pandaigdigang kalakalan.

Ang network ng kalakalan sa dagat na ito, na umandar sa loob ng 250 taon hanggang 1815, ay nag-uugnay sa Maynila at Acapulco, na nagtatag ng isang maagang pandaigdigang sistema ng kalakalan. Hindi lamang nito pinadali ang palitan ng mga kalakal tulad ng seda, at iba pa, kundi pati na rin nagpasigla ng mga interaksyong kultural na malaki ang naging impluwensya sa panlipunan at pang-ekonomiyang pag-unlad ng Pilipinas. Kabilang dito ang pagtuklas ng spices o pampalasa na mas binibigyang pagkilala sa kasalukuyan ng Mama Sita Foundation, isang non-profit na organisasyon na itinatag noong 1999 ng pamilya ni Teresita “Mama Sita” Reyes, ang nagtatag ng kilalang sawsawan at sarsa sa Pilipinas.

Sa katatapos lamang na selebrasyon ng Mama Sita Foundation, nakilahok dito ang ASEAN representatives.

Kabilang pa sa sumuporta sa selebrasyon ay ang Philippine Association of Condiment Producers, Inc. (PACPI), Center for International Trade Expositions and Missions, Coconut Farmers and Industry Development Plan, Department of Agriculture, at iba pa.

“This day commemorates the arrival of the Galleon San Pedro in Acapulco, Mexico in 1565. So, and the theme for this year is ‘Sailing Together,’ honoring the Galleon legacy through stronger ASEAN friendship. It is a great honor to be addressing you on the year that the Philippines is hosting ASEAN,” ayon kay Dianne Agnes Cristobal, President ng PACPI.

(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)