Haffiness franchise roadshow ng sm katuwang ng MSMEs

Ang SM Supermalls, sa pakikipagtulungan sa Association of Filipino Franchisers Inc. (AFFI) at ng local government units, ay magsasagawa ng HAFFINESS Franchise Roadshow sa SM City Sta. Rosa Laguna sa Biyernes, Agosto 19.

Sa temang “HAFFINESS, happy and radiant thoughts”, layon ng tatlong-araw na HAFFINESS Franchise Roadshow na maikonekta ang mga naghahangad na negosyante, OFWs, at mga retirado sa franchisors. Ang SM at AFFI ay mag-iimbita ng exhibitors, mga ekspertong tagapagsalita, at partners para ibahagi ang impormasyon at pag-usbong na estratehiya upang matulungan ang MSMEs (micro-, small-, and medium-sized enterprises) na mapalago ang kanilang mga negosyo sa post-pandemic na klima ng pagnenegosyo.

Bilang isang matatag na tagasuporta ng MSMEs, ang SM Supermals ay laging nakatuon sa pagtulong na makabalik ang mga negosyo at maging aktibo muli. Ipakikita ng roadshow ang iba’t ibang tatak ng mga franchise na maaaring subukin, bisitahin at tuklasin.

Ang mga franchise ay maaaring kumonetka sa mga franchisor at kumonsulta sa mga lider ng industriya. Ang mga dadalo ay maaaring makipagtalakayan sa business mentors at life coaches para magabayan at maturuan sa iba’t ibang franchises at iba pang usaping may kinalaman sa negosyo.

Ang naghahangad na franchisees ay magkakaroon din ng eksklusibong access sa mga ehekutibo na nagtagumpay sa pagpapaganda ng kanilang mga negosyo at tatak sa pamamagitan ng one-on-one na mga sesyon.

Ang ilang mga exhibitor na magrerepresenta habang nagaganap ang kick-off sa Biyernes ay kabibilangan ng: Twice Tea, Esting’s Bellychon, Cleeneco, Mr. Dagupeño, Wendeli, Shania’s Manila, Tokyo Tempura, Siomai House, MyKartero, Unified Payment Center, Ricemart, Nakuyami, Avo Bravo, Umani, Rite Tea, Manila East Travel and Tours, El Bonitos Pizza at Healthy Meals PH.

Bilang karagdagan, mula Setyembre 23 hanggang 25, ang SM City Clark ay magiging punong-abala ng second leg ng HAFFINESS Franchise Roadshow. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa HAFFINESS Franchise Roadshow, magsadya sa https://www.facebook.com/affiempoweringentrepreneurs.