Hadhad: Sakit sa balat, nakahahawa

Ang hadhad na nasa kilikili.

Makati, hugis bilog at kulay pula? Baka hadhad na iyan.

Ano ang hadhad? Ang hadhad o jock itch sa Ingles ay tinea cruris o tinea inguinalis naman sa medikal na termino ay isang uri ng sakit sa balat na dulot ng fungi. Nagbibigay ito ng mamula-mula at makating karaniwang hugis bilog at karaniwang tumutubo sa mga singit-singit.

Saan ito nakukuha?

Ang hadhad ay sanhi ng ringworm fungal infection. Ang fungus na ito ay nakahahawa at madaling kumalat sa tao o sa gamit ng isang tao na siyang nagbibigay daan para makahawa rin sa iba. Ang fungus na nagbibigay hadhad ay madaling lumaki sa mainit at mamasa-masang kapaligiran. Ang mga taong mas mabilis mahawaan ng hadhad ay ang mga madalas gumugol ng oras sa pagpapa-pawis dahil sa ehersisyo o ‘di kaya ay mga ginagawa na nakakapagpapawis.

Sino ang mga nagkakaroon ng hadhad?

Maaari kang magkaroon ng hadhad kapag ikaw ay:

– Madalas magsuot ng mga hapit na damit na maaaring makairita sa balat

– Mayroong mamasa-masang balat lalo na sa mga singit

– Nakikihiram ng mamasa-masang tuwalya sa ibang tao

– Nagkaroon ng pagdidikit ng balat sa taong mayroon ng hadhad

– Malaki ang pangangatawan

– Mahina ang resistensya

– Mga lalaki (mas mabilis o madalas na magkaroon ng hadhad)

– Magaling o mabilis magpawis

– Kabataan

– Mga matataba

– Kapag mayroong diabetes

– Kapag ikaw ay atleta (na siyang pinanggalingan ng pangalang jock itch)

Mga sintomas

– Kumakalat na rashes mula sa singit paibaba hanggang sa hita at puwetan

– Rashes na madalas na hindi naaapektuhan ang gitna ng bilog habang ito ay lumalaki

– Rashes na hugis bilog

– Rashes na pinapalibutan ng parang mga sugat o gasgas

– Makati

– Scaly o parang mayroong kaliskis na balat

– Rashes na kulay pula, brown, purple o gray dependa sa kulay ng iyong balat

– Pakiramdam ng parang mainit, makati at masakit sa tutubuan ng rashes

– Rashes na hindi nagagamot ng anti-itch na mga pampahid

– Rashes na mas lalong dumadami kapag ikaw ay nagpupuwersa at pinagpapawisan

Paano makaiiwas sa hadhad?

– Ugaliing maligo araw-araw lalo na kapag galing sa pagpapapawis

– Patuyuin nang maigi ang mga singit singit

– Maaaring humingi ng antifungal sa Doktor upang gamitin

– Huwag manghihiram o magpapahiram ng mga gamit lalo na sa tuwalya

– Huwag paulit-ulit na gamitin ang damit, ugaliing labhan ito agad pagkatapos gamitin

– Huwag magsusuot ng mga hapit na hapit na damit sa katawan

– Magpalit ng underwear araw-araw

– Kung ikaw ay namamalagi sa gym, ugaliing i-disinfect ang mga kagamitan bago gamitin

– Ugaliing magsuot ng mga saradong sapatos upang maiwasan ang pagkapit ng fungi sa paa

– Kung mayroong alipunga, gamutin ito dahil isa rin ang alipunga sa sanhi ng hadhad

Gamutan

Mabilis lamang gamutin ang hadhad kung ang katawan ay mabilis lamang din ma-absorb ng mga gamot na ibibigay.

– Kung ang hadhad ay hindi pa ganoong kalala, maaaring bigyan ka ng iyong doktor ng anti-fungal creams, powders, gel o ointments na maaari mong ipahid pagkatapos mong maligo.

– Kung ang hadhad ay medyo malala, maaari kang bigyan ng iyong Doktor ng iinuming gamot.