‘Green Tourism towards Sustainable Sibuyan’ – Leksyong Dunong

Kaugnay ng pagdiriwang ng World Tourism Month, sa temang “Tourism and Green Investments: Investing in People, Planet, and Prosperity”, ang isasagawang Dunong Online Lecture ngayong buwan ay sesentro sa Isla ng Sibuyan.

Makinig sa Resource People habang inilalarawan nila ang pagkakaiba-iba ng isla mula sa mga pananaw ng turismo, biodiversity, at kultura. Dito ay kanilang tutukuyin ang makasaysayang kahalagahan ng isla at ibabahagi ang kanilang kaalaman sa mga hakbangin para sa eco-friendly na pakikinabangan ng komunidad at mapangalagaan ang makakapal na kagubatan ng isla.

Sa Setyembre 26, 2023, ika-9:00 ng umaga, tumutok sa isa pang Dunong Online Lecture, na ipalalabas nang live sa Nayong Pilipino Foundation Facebook page.