Globe maniningil ng P50 sa late postpaid payments

Epektibo simula Disyembre 1, maniningil ng P50 ang Ayala-led Globe Telecom Inc. sa mga huling makapagbabayad ng bill para sa kanilang mobile at broadband postpaid customers.

Ito ang inanunsyo ng Globe Telecom nitong Biyernes.

“For the longest time, Globe had deferred charging the late payment fee even though this is included in the terms and conditions of our postpaid subscription agreement. With today’s business environment when other sectors and even the government are charging late payment fees, we believe that the telco sector may follow suit,” ani Globe Vice President Darius Delgado.

“In our case, only postpaid customers who comprise less than 5 percent of our total mobile customer base will be charged,” ayon pa kay Delgado.

Paglilinaw pa ng Globe na ang bayad sa late payment ay kasama na sa Globe subscription agreement na pinipirmahan ng mga customer. Hindi ito panibagong bayad.

Hiniling din ni Delgado sa kanilang subscribers na tiyaking tuloy-tuloy ang kanilang serbisyo sa telepono sa pamamagitan ng maagang pagbabayad ng kanilang mga bayarin.