Ginang ng Palakayahan Festival pinasinayaan ng 2 beauty queens

Ang mga nagsipagwagi sa Ginang ng Palakayahan Festival 2023. (Kuha ng Albert VL Photography)

Matagumpay na naidaos ang kauna-unahang Ginang ng Palakayahan Festival 2023 na ginanap noong April 28 sa Barangay Bayog, Los Baños, Laguna.

Pitong natatanging ilaw ng tahanan ang lumahok upang magkamit ng titulo sa Ginang ng Palakayahan Festival 2023. Ang mga nagtagumpay na ginang at ang karangalang kanilang naiuwi ay sina Emily O. Lapiz, Shara Malihan (miss Photogenic); Eraiza Joy Bautista (Miss Friendship); Magielyn Lawog Lawog (1st r-up); Inah Amparo (2nd r-up and Best in Casual Wear); Marlyn Pascual (Ginang ng Palakayahan Festival 2023); at Emilyn Paguio (best in Fitness Attire).

Ang mga nagsipawagi sa Ginang ng Palakayahan Festival 2023 kasama ang mga hurado at Bgy. Officials ng Bayog, Los Baños, Laguna. (Kuha ng Albert VL Photography)

Lubos ang pasasalamat sa positibong pagtanggap at suporta ng mga ginang ng barangay Bayog kay Kagawad Efren M. Eugenio Jr. na siyang Chairman ng Tourism Committee ng Barangay at Pageant Chair ng kauna-unahang Ginang Bayog Festival Pageant. Lubos din itong sinuportahan ng dalawang international beauty queens ng Los Baños na sina Bb. Pilipinas-Globe 2019 at Miss Globe 2019 2nd r-up at ngayo’y masigasig na Konsehala ng Bayan, Leren Mae Bautista at dating Mrs. Laguna at kasalukuyang Mrs. Global Universe na si Monique Cantalejo Rivera. Ang dalawa ay nagsilbing hurado kasama si Ginoong Jao Cabral ang Tourism Officer ng Bayan ng Bay, Laguna.

Si Mrs. Global Universe 2022-23 na si Monique Cantalejo Rivera (naka-korona) sa kanyang special tribute segment kasama sina Kagawad Efren Eugenio Jr. at Sk Chair Leslie Mateo. (Kuha ng Albert VL Photography)

Ang Ginang ng Palakayahan pageant ang nagsilbing highlight ng taunang Palakayahan Festival ng Barangay Bayog. Ito ay itinatag bilang pagbibigay-pugay sa mga Mamalakaya o Mangingisda na dating pangunahing kabuhayan ng komunidad na isang coastal fishing community sa tabi ng Laguna de Bay. Kalaunan, ang festival ay nag-evolve at isinama ang iba pang sektor ng manggagawa ng komunidad ngunit pinanatili ang titulong Palakayahan Festival.

Ang matagumpay na Ginang ng Palakayahan Festival ay maituturing na pioneer grassroot pageant para sa mga nanay at single moms na nagbukas ng oportunidad sa mga simple at ordinaryong mga ginang. Sila ang walang kakayahang gumastos ng malaking halaga upang makasali sa mga nagsusulputang pageant para sa mga misis.

Ang mga hurado at pageant organizer ng Ginang ng Palakayahan Festival 2023. (Kuha ng Albert VL Photography)

Isang pasasalamat sa lahat ng mga sumuporta at tumulong sa makasaysayang pageant event na ito para sa mga ina kabilang na sina Punong Barangay Crisanto Tandang, at Sangguniang Barangay members Dionisio Salazar, Bernardo Vasquez, Virgilo Tandang, Victorio Carillaga, Wenceslao Tandang, Efren Eugenio Jr., Luisito Lapitan, SK Chairman, Leslie Ann Mateo, Arthur Paul John Gaza, Barangay Secretary and Miss Teresa Lopez na Barangay Treasurer.

Gayundin, pasasalamat sa mga lokal na opisyal ng lalawigan ng Laguna na sina Gov. Ramil Hernandez, Vice-Gov. Karen Agapay, Los Baños Municipal Mayor Anthony Genuino, Vice Mayor Josephine Evangelista, 2nd Dist. Cong. Ruth Hernandez, 2nd Dist. Board Member Pewee Perez, Municipal Councilors na sina Leren Bautista, at Marlo PJ Alipon. Kasama rin sina Jonathan Sityap, Miko Pelegrina, Mark LesterDizon, Benedicto Alborida, Mike Dexter Concio, Jerwin Molinawe, Mernel’s Cake House, JADD Flower Shop, Jot Guardiano na official gown provider at Palm Bliss Resort, Lakewood Los Baños Laguna. Salamat din sa Jhosh Rodriguez Videography, Albert VL Photography, Majhesty Crown by Jeson Suela Bolatin and the BnBs.

Ang nagwaging Ginang ng Palakayahan Festival 2023 na si Marlyn Pascual, kasama sina Bgy. Captain Crisanto Tandang at Monique Rivera, Miss Global Universe 2022-23. (Kuha ng Albert VL Photography)