Fully vaccinated sa QC mahigit 2,000 na

Sa datos na inilabas ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Quezon noong Hulyo 22, umabot na sa 2,533,182 ang fully vaccinated na mga indibiduwal bilang panlaban sa Covid-19.

Kabilang sa naturang rekord ay ang adult at minors. Kabilang din rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Umabot din sa 2,405,954 na adult residents at workers sa nasabing lungsod ang nabakunahan na ng isang dose ng vaccine.

Patuloy pa rin ang pagbabakuna sa minors with or without comorbidity o tinatawag na karamdaman.

Ayon sa Department of Health, 23 sa kada 100 na namatay sa COVID-19 ay may mga comorbidity o iba pang mga sakit na nagpapalubha pa sa kalagayan ng pasyente. Mahalaga ang bakuna para rito.

 

Sa positibong programang ng Lungsod ng Quezon, kasalukuyang 396,259 na bata na ang nabakunahan sa ilalim ng QCProtekTODO Vaccination Program habang umabot na sa 1,132,736 ang nabigyan ng booster shot.

Sa kabuuan ay 6,209,953 doses ng bakuna na ang naiturok ng naturang programa sa tulong ng healthcare workers, staff at volunteers.

Hinihikayat ang mamamayan ng Lungsod ng Quezon na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule ng pagbabakuna. Bisitahin lang ang: https://qceservices.quezoncity.gov.ph/qcvaxeasy

Abangan ang iba pang anunsyo sa official Facebook page ng Lungsod ng Quezon o bisitahin ang https://qcprotektodo.ph para sa ibang detalye ng vaccination program.