Frasco pinagtibay ang suporta sa Nat’l Museum

Cristina Garcia Frasco
Department of Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco (DOT file photo)

Ibinalita ni Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco noong Hulyo 20 na pinagtitibay ng Kagawaran ang suporta nito sa National Museum of the Philippines (NMP) sa kanyang pagdalo sa ikatlong bahagi ng regular Board of Trustees (BoT) meeting na ginanap sa National Museum of the Philippines sa Maynila.

Nasa okasyon din sina Evangelina Lourdes Arroyo- Bernas, NMP Chairperson; Jeremy Barns, Director General ng NMP; Jorell M. Legazpi, Deputy Director for Museums; at Board of Trustees mula sa pribadong sektor na sina Andoni M. Aboitiz, Dr. Jurgenn Primavera, at Dr. Rene R. Escalante. Si Senadora Nancy Binay at iba pang trustees ay nakiisa rin virtually sa pagpupulong na ito.

Kasama ng Kalihim ng Turismo, bilang mga miyembro ng NMP BoT, ang Education Secretary, ang Tourism Committee Chair ng House of Representatives at ang Senado, ang Chairperson ng National Commission for Culture and the Arts, ang Director-General ng Pambansang Museo, at walong kinatawan ng pribadong sektor sa Lupon ng Pambansang Museo.

Maaaring mapansin na ang mandato ng NMP ay magtatag, mamahala at bumuo ng mga museo hindi lamang sa Maynila kundi maging sa mga pangunahing lokasyon sa buong bansa.

Sa pagpupulong na ito, nagpasalamat si Frasco sa mga miyembro ng lupon, at inialok ang tulong ng Kagawaran ng Turismo sa marketing at promosyon ng mga museo sa buong bansa, gayundin ang pagtatatag ng tourism circuits para sa mga museo upang ang kaalaman at pag-access ng publiko sa mga museong ito ay maaaring nasa mainstream.

“I wish to thank all of you for what you have done to push forward the preservation of our heritage. My personal presence here, today, I hope, signals my intention to give the full support of the Department of Tourism to the National Museum of the Philippines and to all of your projects nationwide. I wanted the support to be tacitly manifested by my physical presence and you can be rest assured that I will be your ally in the Department of Tourism,” ani Frasco.

Si Frasco na isa ring tagapagtaguyod ng kultura at sining ay nagsabing “All of your efforts deserve to be highlighted and the general public needs to really know about all the activities, because giving the general public access to all of these worthwhile endeavors would also benefit both the museum and the public in general, in that, we are able to provide a mainstream access to all that the museums have to offer.”

Nauna nang inatasan ni Frasco ang mga opisyal ng Departamento na makipag-ugnayan sa mga local government units sa buong bansa para ipantay ang marketing at promotions. Ito, idinagdag niya, ay maaari ding isagawa para sa mga ari-arian na pinamamahalaan ng NMP. “I hope to have a similar effort done for the National Museum because I will be very interested to explore how we can assist in increasing engagement for its endeavors,” pagtatapos pa ni Frasco.