Flores de Mayo bumida sa Enchanted Kingdom

Mayo ang isa sa mga buwang inaabangan ng marami dahil popular ito sa mga tradisyong Flores De Mayo at Santacruzan.

Ang nasabing mga tradisyon ay hindi pinalampas ng kilalang amusement park sa bansa na Enchanted Kingdom (EK) at ipinagdiwang nila ito noong hapon ng Mayo 22, 2022 sa pamamagitan ng Flores De Laguna 2022.

Binigyang-halaga ito ng EK dahil mahigit 100 taong nang tradisyon ito sa atin, isang okasyon na relihiyoso at makasaysayan. Kultura itong ipinakilala noon ng mga Kastila sa mga Pilipino noong kalagitnaan ng 1800.

Bilang pagkilala pa sa okasyong ito ng EK, sa ibang lebel nila ipinakita ang ganitong kultura. Dito mas binigyang buhay nila ang mga lokal na 20 fashion designer at kanilang mga modelo.

Kasama ng mga konsorte, ang kababaihan ay mga pangunahing rumampa sa malawak na entablado suot ang iba’t ibang Filipiniana – klasiko at moderno, seksi at konserbatibong kasuotan sa iisang kulay na byoleta. Ito ang kulay na ibinida sa okasyon dahil ito ang kulay ng EK na sumisimbolo sa mahika, kasiyahan, misteryo, espiritwalidad at pagkamalikhain.

Pinoy na Pinoy din ang rampahan dahil ang background music nila ay tugtuging atin na karaniwang naririnig lamang sa mga lalawigan. Nakatutuwa ring pagmasdan ang mga babaeng modelo dahil taglay nila ang mga imahe ng dalagang Pilipina.

Ang okasyon ay ipinagpasalamat ng EK Chief Operating Officer na si Cynthia Mamon. “This is appreciation of our culture. And with the active participation of the Designer Circle Philippines – Laguna, thank you very much for helping us. Palakpakan po natin sila. Hindi po natin kayang mag-organize ng ganito without their help. They brought us 20 designers and their models to showcase the regional creations at dito po kami humahanga sa galing at talento ng mga Pilipino,” ani Mamon.

Ang Flores de Laguna 2022 ay solidong sinuportahan nina Renee Salud, kilalang Filipino fashion designer at James Cooper na kilala ring isang Filipino beauty expert.

Ang Flores de Laguna 2022 na proyekto ng Enchanted Kingdom sa pangunguna ng kanilang Chief Operating Officer na si Cynthia Mamon (dulong kanan) ay solidong sinuportahan nina Renee Salud (gitna), kilalang Filipino fashion designer at James Cooper na kilalang Filipino beauty expert. (Bilibb)

Sa pagtatapos ng pagdiriwang na ito, naniniwala ang EK na maliban sa maipagmalaki at maisulong ang kanilang rides and attractions ay kasabay din dapat na ibida ang ating kultura at iusad pa ang national pride gaya ng pagpapamalas ng ating mga fashion designers sa kanilang natatangi at orihinal na mga obra.

20 FILIPINO FASHION DESIGNERS NA LUMAHOK SA FLORES DE LAGUNA 2022

  1. IVANKA HIPOLITO

Modelo: John Mhel Odal / Jastine Faith Decena

  1. JUSTINE TALUCOD

Modelo: Alvin Salvador / Shaira Mar Bambo

  1. JAYPEE CHUA

Modwelo:  Samuel Sumiran / Kimberly Tinoy

  1. GIMJUDE OLIVEROS

Modelo: Clyde Acuavera / Angelina Martinez

  1. NEIL DE VILLA

Modelo: Julieto Quvido Jr. / Winalie Kahulugan

  1. ROCHELLE BADEL

Modelo: Achmylz Angel Perez / Cherleine Gonzales

  1. MARK PAGALANAN

Modelo: Jayzer Presbitero / Eunice Deza

  1. SIMEON OBLIGADO

Modelo: John Raizen Cultivo / Crystal May Gulay

  1. CRIS DE LEON

Modelo: Rendelle Ann Caraig

  1. LEO LARANO

Modelo: Kian Bryne Fajardo / Trisha Macalagay

  1. JAYVIE DACDAC

Modelo: Jestine Dela Torre / Julia Lamis

  1. JESSICA LABINDAO

Modelo: Jhimson Flynn Yuan Reyes

  1. JAMES CABRIOLE

Modelo: Freddie Del Rosario Jr. / Alyssa Fernandez

  1. AM PALATINO DALAGAN

Modelo: John Erving Yerro / Christine Aira Cirilo

  1. JEFFREY TOPE

Modelo: Earl Grenz Manuel / Ia Fiona Hombrebueno

  1. MARK FRANCIS PACION

Modelo: Raymart Manlangit / Red Thymothy Gersalia

  1. JOEMEL CALMA

Modelo: Jhesper Ryan Carpio / Denize De Patino

  1. JOEL MENDOZA

Modelo: John Roland Capuz / Nikki Tiongco

  1. JESSYCRIS BADUEL

Modelo: Christian Angelo Aduana / Hannah Victoria

  1. RICHARD ROQUE

Modelo: Marvin James Cosico / Kerstein Keith Saboy

 

PAGKAKAIBA NG SANTACRUZAN SA FLORES DE MAYO

Ang Santacruzan ay kinikilalang reyna ng mga kapistahan sa Pilipinas.

Ang Santacruzan ay hango sa mga salitang Santa Cruz o Banal na Krus. Ang bagay na ito ay naging parte ng selebrasyon ng mga Romano noong unang panahon.

Sinasabing natagpuan ang tunay na Banal na Krus sa Herusalem ni Reyna Helena, ina ng Emperador na si Constantino.

Sa pagtungo ni Reyna Helena sa isang lugar doon ay tatlong krus ang kanyang nakita at nagkaroon ng pagsusuri. May isang babae pa roon na malapit nang mamatay.

Nang hawakan ng babae ang una at ikalawang krus ay walang pagbabagong naganap sa kanyang kondisyon ngunit nang hawakan niya ang ikatlo at huling krus ay kaagad siyang gumaling. Dito idineklara ni Reyna Helena na totoo at Banal na Krus ang nagpagaling sa babae. Ito rin ang dahilan kung kaya nagkaroon ng pagdiriwang bilang pasasalamat ang mga tao at sa paglaon ay naging legal itong relihiyosong okasyon na dinala rin ng mga Kastila sa Pilipinas.

Sa unang tradisyon ng Santacruzan sa bansa, may prusisyon sa kal­ye habang nagdarasal ang publiko. Ang mga dalaga na tinatawag na sagala ay naglalakad din suot-suot ang mga magagarang damit habang tangan ang pumpon ng mga bulaklak.

Ang paglalakad ng bawat sagala ay nasa ilalim ng pinalamutiang arko o sakay ng karosa. Sa pinakahuli ay naroon ang isang tinatawag na Reyna Elena na tangan ang Banal na Krus at kasama ang batang lalaki na kumakatawan sa anak na si Emperador Constantino.

Kalaunan ang mga sagala ay nagkaroon ng kapareha o mga konsorte sa prosisyon.

Samantala, ang Flores de Mayo (kilala ring Flores de Maria) ay parada ng mga piling-piling mga dalaga ng isang nayon o lalawigan. Habang kasamang naparada ang kani-kanilang makikisig na konsorte, tangan-tangan nila ang mga bulaklak na iaalay sa simbahan para kay Inang Birheng Maria.

Sa solidong paniniwala si Inang Birheng Maria ang tumutugon sa mga dasal ng mga magsasaka na magkaroon ng ulan upang madiligan ang mga pananim kaya’t ganoon na lamang ang kanilang pasasalamat at idinaan ito sa pag-aalay ng mga kababaihan ng mga bulaklak sa Inang Birheng Maria.

Naniniwala rin ang marami na sa buwan ng Mayo mas iba ang pag-usbong at pagdami ng samu’t saring pananim bilang mga pagkain at mga bulaklak na marapat lamang na ialay sa Inang Birheng Maria.