Filipiniana nagningning sa ika-38 Star Awards for Movies

Sina Claudine Barretto (kaliwa) at Sunshine Cruz na dumalo sa ika-38 Star Awards for Movies noong Hulyo 16. Sa okasyong ito, si Baretto ay tumanggap ng pagkilalang Female Star of the Night habang si Cruz ay kinilalang Face of the Night. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Ang magarbo at sopistikadong ika-38 Star Awards for Movies na ginanap sa Centennial Hall ng Manila Hotel ang siyang nagbigay ng kapanabikan sa industriya ng Philippine Entertainment noong Hulyo 16.

Sa okasyong ito, pinatunayan din na ang Filipiniana ang pagiging sunod sa moda, kaaliw-aliw at pagiging malikhain. Dumalo rin dito ang mga panauhing pandangal na sina Claudine Barretto, Sunshine Cruz, Christian Bautista at Konsehal ng Quezon City na si Alfred Vargas.

Pinarangalan si Cruz ng Face of the Night habang suot ang kaniyang itim at sopistikadang Marc Bumgarner na terno. Samantala, nakuha naman ni Claudine Barretto ang parangal bilang Female Star of the Night habang suot ang kaniyang makinang at puting ternong pang-modernong Prinsesa. Male Star of the Night naman si Christian Bautista sa kaniyang modernong barong at Darling of the Press naman si Konsehal Alfred Vargas.

Kasama ang mga lumahok na naka-Filipiniana at modernong barong, ang pinakahihintay na ika-38 na edisyon ay isang hindi malilimutang kaganapan sa Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC). Laking pasasalamat ng samahan kay MJ Gutierez ng Gutierez Celebrities and Media Production sa pag-aayos ng nasabing okasyon sa pinakamatagal at iginagalang na nasabing hotel. Ang metikulosong pangunguna ni Director Frank Lloyd Mamaril kasama ang FLM Creatives and Production staff na nagbigay ng maayos na daloy ng parangal para sa PMPC.

Samantala, ang The Company, sina Daryl Ong, Marlo Mortel at Concert King Martin Nievera ay mga nagtanghal din para sa isang hindi malilimutang gabi. Nagbigay-pugay din ang dalawa sa mga beterano at sikat sa industriya ng showbiz na sina Ms. Helen Gamboa at Director Chito Roño sa pamamagitan ng pagdalo upang personal na tanggapin ang kanilang Lifetime Achievement Awards. Kasama ang kasalukuyang Chairperson ng MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) na si Lala Sotto, tinanggap ni Ms. Helen Gamboa ang Nora Aunor Ulirang Artist Lifetime Achievement Award.

Ang direktor na si Chito Roño habang tinatanggap ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award sa isinagawang ika-38 Star Awards for Movies noong Hulyo 16. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Kasama namang tinanggap ni Direk Roño ang kaniyang parangal na Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award ang mga miyembro Streetboys na sina Jhong Hilario, Vhong Navarro, Meynard Marcellano, Joey Andres, Christopher Cruz, Danilo Barrios at Nicko Manalo. Binuo ni Roño ang Streetboys noong 1993 at laking gulat niya nang makitang sama-sama ang mga miyembro nito sa pagtanggap niya ng kanyang pinakaunang Lifetime Achievement na parangal.

Pinangunahan nina PMPC President Fernan de Guzman kasama ang 2022 opisyales at board of directors ang naturang okasyon. Samantala, tagapangulo naman ang kasalukuyang bise presidenteng si Mell Navarro ng ika-38 Star Awards for Movies kasama ang PMPC assistant Treasurer na si Lourdes Fabian bilang co-chairman.

Tinanghal na Celebrity of the Night si Quinn Carillo na nagwagi din bilang New Movie Actress of the Year. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Sa kabila ng pandemya na nagbibigay ng masamang epekto sa lahat ng industriya, sinigurado ng PMPC na bigyang-dangal ang mga pinakamahuhusay na pelikula, performers at stakeholders para sa 2021.

Maaaring mapanood ang ika-38 Star Awards for Movies sa ALLTV Network sa Hulyo 23, Linggo, ika-9:00 ng gabi.

Si Ella Ilano na tinanghal na Child Performer of the Year. Ang tropeo ay ipinagkaloob sa kanya ni Philippine Movie Press Club, Inc. member Linda Rapadas. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Movie of the Year – “On The Job 2: The Missing 8” (Reality MM Studios, Globe Studios, HBO Asia Originals)

Movie Director of the Year – Erik Matti (On The Job 2: The Missing 8 )

Indie Movie of the Year – “Katips” (PhilStagers Films)

Indie Movie Director of the Year – Vince Tañada (Katips)

Movie Actress of the Year – Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man It Panahon) at Sunshine Dizon (Versus)

Nagpasalamat ang 38th Star Awards for Movies Executive Producer MJ Gutierez ng Gutierez Celebrities and Media Production sa lahat ng dumalo sa malaking okasyon na ito. (Kuha ni Teddy Pelaez) q q

Movie Actor of the Year – Vince Tañada (Katips)

Movie Supporting Actress of the Year – Janice De Belen (Big Night!) at Lotlot De Leon (On The Job 2: The Missing 8 )

Movie Supporting Actor of the Year – Johnrey Rivas (Katips)

Movie Ensemble Acting of the Year – The cast of “On The Job 2: The Missing 8”

Indie Movie Ensemble Acting of the Year – The cast of “Katips”

New Movie Actress of the Year – Quinn Carrillo (Silab)

Masayang tinanggap ni Sean de Guzman ang parangal bilang New Movie Actor of the Year sa isinagawang 38th Star Awards for Movies. (Kuha ni Teddy Pelaez)

New Movie Actor of the Year – Sean De Guzman (Anak Ng Macho Dancer)

Child Performer of the Year – Ella Ilano (The Housemaid)

Short Movie of the Year – “Black Rainbow” (Sinehalaga, NCCA, Negros Cultural Foundation, Uncle Scott Global Productions)

Short Movie Director of the Year – Zig Dulay (Black Rainbow)

Sa isinagawang 38th Star Awards for Movie, naging hosts dito sina (mula sa kaliwa) Alfred Vargas, Claudine Barretto, Sunshine Cruz at Christian Bautista. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Technical Categories

(Mainstream and Indie Films)

Movie Screenwriter of the Year – Michiko Yamamoto (On The Job 2: The Missing 8)

Movie Cinematographer of the Year – Teck Siang Lim (Kun Maupay Man It Panahon)

Movie Editor of the Year – Benjamin Tolentino (Big Night!)

Movie Production Designer of the Year – Whammy Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon)

Si Ms. Helen Gamboa habang nagbibigay ng talumpati sa pagkakatanggap niya ng Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Awardee. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Movie Musical Scorer of the Year – The Storyteller Project (My Amanda)

Movie Sound Engineer of the Year – Corinne De San Jose (On The Job 2: The Missing 8)

Movie Original Theme Song of the Year – “Umulan Man O Umaraw”; itinanghal ni Rita Daniela, composed ni Louie Ignacio, at inayos ni Bobby Velasco (para sa pelikulang “Huling Ulan Sa Tag-Araw”)

Indie Movie Screenwriter of the Year – Lav Diaz (Historia Ni Ha)

Indie Movie Cinematographer of the Year – Lav Diaz (Historia Ni Ha)

Indie Movie Editor of the Year – Armando Lao, Peter Arian Vito, Ysabelle Denoga (Gensan Punch)

Indie Movie Production Designer of the Year – Lav Diaz (Historia Ni Ha)

Nag-tie sina Janice de Belen (kaliwa) at Lotlot de Leon bilang Movie Supporting Actress of the Year sa isinagawang 38th Star Awards for Movie. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Indie Movie Musical Scorer of the Year – Pipo Cifra (Katips)

Indie Movie Sound Engineer of the Year – Albert Michael Idioma (Gensan Punch)

Indie Movie Original Theme Song of the Year – “Sa Susunod Na Ikot Ng Mundo” — itinanghal ni Kris Lawrence, na may saxophone solo ni Nicole Reluya, kompisisyon at inayos ni Von De Guzman (“Nelia”)

Special awards

Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award — Ms. Helen Gamboa

Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera Lifetime Achievement Award — Director Chito Roño

Darling of the Press – Alfred Vargas

Movie love team of the Year – Donny Pangilinan and Belle Mariano (Love Is Color Blind)

Female Star of the Night – Claudine Barretto

Male Star of the Night – Christian Bautista

Female Celebrity of the Night – Quinn Carrillo

Male Celebrity of the Night – Sean De Guzman

Face of the Night – Sunshine Cruz