Fiery Style branches bukas na!

Patuloy sa kanilang lumalagong kasikatan, ang Fiery Style Southwestern Flaming Grill na may branches na bukas na ay matatagpuan sa Mall of Asia, New World Resorts, Estancia at Capitol Commons. Bukas na rin ang branches sa Festival Mall Alabang, Glorietta Makati, Circuit Makati, Uptown Bonifacio Mall, Southwoods Mall, Forbes Town BGC at Okada Manila, Greenhills, SM North EDSA, SM Megamall, Molito Lifestyle Center at Solenad Nuvali. Serving a variety of Southwest favorites, ang Fiery Style ay perfect place para sa lunch, dinner o late-night cocktails kasama ang mga barkada.

I-experience na ang masaganang pagkain sa kanilang best seller tulad ng kanilang Fiery Nachos, isang gabundok na tortilla chips na nilagyan ng cheese at ang iyong choice of toppings. Hindi rin maikakaila ang mahusay at abot-kayang US steak sa presyong nagsisimula sa P238. Puwede ring subukan ang isa sa kanilang Galleon Grills Combos na may sampling ng masasarap na pagkain na angkop para sa sharing ng magkakaibigan. Ang Mucho Shareable ng 1 kilo Grilled Fork- tender Rump Steak ay talk of the town na ngayon.

Pawiin ang iyong uhaw sa sariwang prutas na margaritas, Paloma, mojitos o isang classic cocktail na hinaluan sa isa sa Fiery Style sa loob o labas ng bar.

Ang Fiery Style ay isang perfect place para sa kainan at inuman with a variety of weekly specials and promos. I-enjoy na ang bottomless na Mexican Cocktail na nagsisimula sa P388 na available all day, every day!

Magpalipas ng gabi kasama ang mga kaibigan sa pinakabagong lugar upang mag-hang-out kasama ang DJ at Acoustic performers tuwing Huwebes, Biyernes at Sabado.

Para sa karagdagang detalye at reservation, mangyaring bisitahin ang aming Facebook sa: facebook.com/fierystyleSouthwesternGrill at Instagram @fierystyle.

Ang FIERY STYLE Southwestern Flaming Grill branch na matatagpuan sa SM Megamall sa Mandaluyong City. (Bilibb)