Sa isang stunning display of grace, poise at talent, si Fátima Bosch ng Mexico ang nagwaging Miss Universe 2025 na ginanap sa Bangkok, Thailand itong Biyernes kung saan naglaban-laban ang 120 candidates.
Mula sa nagningning na Top 5, tinalo ng 25-anyos na si Fatima sina Miss Thailand Praveenar Singh, 29, First Runner-up; Miss Venezuela Stephany Abasali, 25, Second Runner-up; Miss Philippines Ma. Ahtisa Manalo, 28, Third Runner-Up; at Miss Cote d’Ivoire Olivia Yace, 27, Fourth Runner-up.
Sa winning answer ni Bosch, pinapurihan siya sa pagtataguyod para sa mga karapatan at dignidad ng kababaihan.
Sa huling question and answer portion para sa Top 5 finalists, ibinato sa kanila ang iisang tanong, “How would you use this platform to empower young girls?”
“As Miss Universe, I will say to them, believe in the power of your authenticity. Believe in yourself. Your dreams matter. Your heart matters. Never let anyone make you doubt your work, because you work on everything, and you are powerful, and your voice needs to be heard,” ayon kay Fatima.
Naisalin kay Fatima ang korona mula sa outgoing Miss Universe 2024 na si Victoria Kjær Theilvig ng Denmark.
Matapos nina Lupita Jones (1991), Ximena Navarrete (2010), at Andrea Meza (2020), apat na beses nang nanalo ang Mexico sa prestihiyosong beauty pageant.
Prizes para sa beauty queen
Ang koronang iginawad kay Fatima ay nagkakahalaga ng mahigit sa $5 million.
Sa pagtanggap ng korona, makatatanggap din siya ng one-time award na $250,000 bilang starting fund. Mayroon ding siyang $50,000 salary kada buwan. Sakop ng halagang ito ang kanyang performances, travel, and charitable endeavors bilang Miss Universe, na bayad hangang sa masungkit ito ng isang bagong titlist. Siya rin ay lilipat sa isang luxurious apartment sa New York sa Amerika sa loob ng isang taon bilang kanyang official abode.
On speed dial, mayroon siyang glam squad and wellness team. Makakaasa rin siya sa papasok na endorsements at major brand deals, invitations sa red carpets, galas at iba pang big events.
Sino si Fatima Bosch?
Ipinanganak sa Santiago de Teapa, Tabasco sa Mexico noong May 19, 2000, si Fatima ay nag-aral ng fashion design sa kilalang Universidad Iberoamericana sa kanilang bansa.
Ang kanyang paghahangad ng kaalaman at creativity ay higit na naghatid sa kanya sa Nuova Accademia di Belle Arti sa Milan, isang lungsod na mayaman sa fashion heritage nito. Pinagbutihan din niya ang kanyang skills sa Lyndon Institute sa Vermont.
Ang journey ni Fatima para masungkit ang Miss Universe crown ay hindi naging madali. Nakaranas din siya ng pambu-bully noong siya ay nag-aaral, dahil sa dyslexia at ADHD o Attention-Deficit/Hyperactivity Disorder.
Ang dyslexia ay isang sakit kung saan ang tao ay nahihirapan matutong magbasa at magsulat. Ang ADHD ay isang neurodevelopmental condition na may mix ng ongoing problems gaya ng kahirapang makapokus, pagiging hyperactive at impulsive o pabigla-bigla.
Nagsimula ang kanyang pageant journey sa Tabasco noong 2018 para sa Flor de Oro crown.
Big stress bago ang korona
Historic ang pagkakapanalo ni Fatima sa Miss Universe 2025. Siya ang kandidatang may heated walkout sa Miss Universe 2025 sash ceremony sa unang bahagi ng November.
Sa ceremony sa Bangkok, Thailand lumitaw ang isang controversy na kinasangkutan ni Fatima nang punahin siya ng pageant official na si Nawat Itsaragrisil sa pagsunod sa utos ng kanyang national director at hindi sapat na pag-promote ng Thailand sa social media, na tinawag siyang “dumbhead.”
Nabastusan si Fatima sa nangyari at ramdam din ito ng mga kandidata na ang iba ay sumuporta sa sabayang pag-walkout mula sa event venue.
“He called me dumb because he has issues with the organization, and I think that’s unfair. I think the world needs to see this, because we are empowered women and this platform is for our voices. No one can silence it. No one will silence me. It doesn’t matter if you have a big dream or a crown. If it takes away your dignity, you should walk away.” ayon sa beauty queen.

