F-2-F classes sa Maynila suspendido sa Abril 24 dahil sa matinding init

Dahil sa inaasahang extreme heat index, idineklara ni Manila Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan ang suspension ng face-to-face classes sa lungsod sa lahat ng antas, pribado at pampublikong paaralan sa Abril 24, Miyerkoles.

Batay sa heat index bulletin ng Manila Disaster Risk Reduction Management Office, 43 degrees Celsius ang mararanasan.

Kaugnay nito, pinapayuhan ang mga pamunuan ng paaralan na ituloy ang klase sa asynchronous mode.