Extended long weekend sa Abril deklarado

Idineklara ng Malacañan noong Marso 14 na magkakaroon ng long weekend sa unang bahagi ng Abril.

Deklaradong long weekend ang Abril 6 hanggang 10 bilang pagdiriwang ng Semana Santa at Araw ng Kagitingan gaya ng sumusunod:

Abril 6 – Huwebes Santo (regular holiday)

Abril 7 – Biyernes Santo (regular holiday)

Abril 8 – Sabado de Gloria

Abril 9 – Linggo ng Pagkabuhay

Abril 10 – Araw ng Kagitingan (regular holiday)

Ang Abril 9 na tunay na petsa para sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan ay inurong ng Abril 10, dahilan para mas mapalawig pa ang long weekend o bakasyon ng mga tao.

Ang limang-araw na long weekend break ay upang magkaroon din ng sapat na oras ang mga Pilipino para sa domestic travel at mapabuti ang tourism expenditures.

“Gamitin natin ang pagkakataong ito upang makapagbigay ng oras sa ating mga mahal sa buhay habang responsable tayo sa pagsunod sa mga health at safety protocols. Nawa’y maging mapayapa at makabuluhan ang panahong ito para sa lahat (Let’s use this opportunity to make time for our loved ones while we responsibly practice health safety measures. May this be a peaceful and meaningful time for all of us),” ani Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pahayag kaugnay sa pista opisyal.