Planong mag-travel? Maging ready na sa gaganaping 37th Philippine Travel Mart (PTM)!
Ang nakatakdang event sa September ay opisyal na inanunsyo sa isinagawang press launch sa Lakbay Museo itong July 28.
Ano ang PTM?
Ang PTM ay ang premier at longest-standing interactive travel trade exposition sa bansa. Taunang itinataguyod ng Philippine Tour Operators Association (PHILTOA) sa ilalim ng suporta ng Department of Tourism, ang PTM ay nagsisilbing primary marketplace ng bansa para sa mga karanasan sa paglalakbay. Ito ay isang malaking venue kung saan ang mga pangarap ay nagiging itineraries, nag-uugnay sa mga destinasyon at mga traveler, at higit sa lahat, kung saan nagsisimula ang bawat paglalakbay.
Sa pagdiriwang ng 40th Anniversary ng PHILTOA, nananatiling nakatuon ang organisasyon sa pagsusulong ng responsableng turismo, na may mahalagang papel sa pagpapalago ng ekonomiya sa pamamagitan ng mas matibay na ugnayan, paglikha ng mga trabaho at pagpapalakas sa kakayahan ng mga tour operator.
Kaugnay nito, inaanyayahan ang publiko na dumalo sa 37th PTM na gaganapin sa September 4, 5, at 6 sa SMX Convention Center Manila sa Pasay City. Pag-anyaya ito na muling madiskubre ang turismo sa Pilipinas at makilala ang ibang lugar sa labas ng bansa.
“Rediscovering the Philippines means looking forward to familiar, supporting local communities, embracing sustainable travel, and finding new reasons to fall in love with our country. As we launch the 37th Philippine Travel Mark, let us inspire every Filipino and every traveler not only to visit destinations, but to create meaningful connections with the places and the people that make the Philippines truly exceptional. Together, let us nurture the future of tourism. Together, let us discover and rediscover our Philippines,” ayon kay Maria Lourdes Japson, president ng PHILTOA at Federation of ASEAN Travel Associations.

Mga aabangan sa PTM
Ang Philippine Travel Mart (PTM) ngayong taon, na may temang “Nurturing the NextGen Tourism: Discover Your Philippines,” ay magtatampok ng 300 exhibitors na mag-o-offer ng iba’t ibang travel deals—kabilang ang discounts na aabot sa halos 50%—na eksklusibong makukuha sa venue.
Ka-partner ng PTM, maglulunsad ang Philippine Airlines ng surprise deals, habang ang East West Banking Corporation ay magbibigay din ng sarili nitong promos. Maaaring samantalahin ng East West credit cardholders ang exclusive promotions mula sa exhibitors at flexible payment options tulad ng 0% interest installment plans na may duration na tatlong buwan.
Bukod dito, maaaring sumali ang attendees sa isang raffle para sa exciting prizes. Itatampok sa event ang iba’t ibang travel package, kung saan 70% nito ay nakatuon sa domestic options at ang natitirang bahagi ay nagtatampok ng international destinations.
Ticket rates sa 37th Philippine Travel Mart
Early bird 1-day pass: P100
Early bird 3-day pass: P288
Regular rate: P120
Available ang tickets dito.

(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)

