Trisha Martinez waging Miss Ever Bilena 2023

Sa ginanap na sponsor visit ng 40 official candidates ng 2023 Binibining Pilipinas sa Ever Bilena headquarters nitong Abril 26, pito sa mga ito ang tumanggap ng Ever Bilena special awards. Ito ay sina (mula sa kaliwa) Miss HyaLoo - Gianna Llanes ng Palayan City; Miss Hello Glow - Lea Macapagal ng Dinalupihan, Bataan; Miss Careline - Jeanne Bilasano ng Albay; Miss Ever Bilena - Trisha Martinez ng Laguna; Miss Ever Bilena/2022 Miss Globe Chelsea Fernandez; Miss Blackwater - Lyra Punsalan ng Pampanga; Miss Ever Organics - Katrina Johnson ng Davao del Sur; at Miss Spotlight - Angelica Lopez ng Palawan. (Kuha ng Bilibb)

Actively beautiful na iprinisenta ang mga kandidata ng 2023 Binibining Pilipinas nang magkaroon ito ng sponsor visit sa headquarters ng Ever Bilena Cosmetics nitong hapon ng Abril 26 sa Caloocan City.

Sa isinagawang “Ever Bilena Beauty Tour,” patalbugan sa ganda at postura na rumampa ang 40 official candidates habang isa-isang ipinakilala ang sarili.

Sa okasyon na ito ay naging special guest ang dating Miss Ever Bilena at 2022 Miss Globe na si Chelsea Fernandez.

Mistulang “Ever Beauties” naman ang pitong kandidatang napili ng naturang sponsor dahil sa natatangi nilang beauty and charm.

Ang coronation night ng Binibining Pilipinas 59th Edition ay gaganapin na sa Mayo 28 sa Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ang mga nagwagi ng Ever Bilena special awards

Trisha Martinez

Miss Ever Bilena – Trisha Martinez ng Laguna

Binibini 29 | Age 24 | Profession: Dentist

 

Lyra Punsalan

Miss Blackwater – Lyra Punsalan ng Pampanga

Binibini 3 | Age: 22 | Profession: Graphic Designer, model, Voice Talent

 

Jeanne Bilasano

Miss Careline – Jeanne Bilasano ng Albay

Binibini 14 | Age: 25 | Profession: Speech Language Pathologist

 

Katrina Johnson

Miss Ever Organics – Katrina Johnson ng Davao del Sur

Binibini 33 | Age: 25 Profession: Licensed Pharmacist, Certified Clinical Pharmacist

 

Lea Macapagal

Miss Hello Glow – Lea Macapagal ng Dinalupihan, Bataan

Binibini 38 | Age: 25 Profession: Project Director in a Government firm

 

Angelica Lopez

Miss Spotlight | Angelica Lopez ng Palawan

Binibini 6 | Age: 22 | Profession: n/a

 

Gianna Llanes

Miss HyaLoo | Gianna Llanes ng Palayan City, Nueva Ecija

Binibini 5 | Age: 27 | Profession: Sports Reporter