Evening gown ni Miss Universe Thailand angat sa iba

Si Anna Sueangam-iam, Miss Universe Thailand 2022, habang suot ang kanyang gown mula sa recyclable na materyales. (Kuha mula sa Miss Universe Thailand Facebook account)

Maganda, matalino at kaakit-akit. Iyan naman ang laging marka ng mga nahahanay sa Miss Universe.

Bukod sa bet ng marami ang sariling atin na si Miss Philippines Celeste Cortesi, iba rin naman si Miss Universe Thailand 2022 dahil sa ngayon, angat siya sa iba pagdating sa rampahan ng kasuotan.

Si Anna Sueangam-iam ay isang Thai actress at modelo ngunit hindi natatapos sa husay niya sa pagrampa ng kanyang recent gown ang dahilan ng paghanga sa kanya ng publiko.

Si Anna Sueangam-iam at ang kanyang ina. (Kuha mula sa Facebook account ni Anna Sueangam-iam)
Si Anna Sueangam-iam at ang kanyang mga magulang. (Kuha mula sa Facebook account ni Anna Sueangam-iam)

Ipinanganak noong Nobyembre 10, 1998 sa Bangkok Thailand, si Anna ay kilala bilang “Thai Mannequin”. Bata pa lamang siya ay nagmomodelo na at suportado ito ng kanyang mga magulang. Katunayan, noong siya ay nasa high school, sumasali na siya sa modeling competitions.

Ang kanyang ina ay isang Thai habang ang kanyang ama ay isang Amerikano na may dugong Chinese.

Si Anna Sueangam-iam, Miss Universe Thailand 2022, habang suot ang kanyang gown mula sa recyclable na materyales. (Kuha mula sa Miss Universe Thailand Facebook account)

Kilalang palaban ang prinsipyo ni Anna kung kaya tinawag siyang #AnnaTheThaiger. Ito ay sa kabila ng marami ang pumupuna sa naging buhay niya noon dahil sa naging trabaho ng kanyang mga magulang.

Ang kanyang ama ay isang kolektor ng basura habang ang kanyang ina ay isang street-sweeper para sa Bangkok Metropolitan Administration, kaya ginugol niya rin ang kanyang pagkabata sa isang tambakan ng basura. Ang kanyang mga laruan noon ay galing din sa basura.

Sa paglipas ng panahon ay nanirahan siya sa kanyang lola sa tuhod, isang madre na Budista, hanggang sa matanggap niya ang kanyang degree sa kolehiyo dahil abala ang kanyang mga magulang. Nakatanggap siya ng first-class honors diploma mula sa faculty of liberal arts and sciences ng Kasetsart University at nakakuha ng bachelor’s degree in hotel and tourism management.

Para mabayaran ang kanyang student loans noon, kinailangan din niyang mangolekta ng basura. Ito rin ang dahilan para mabansagan siyang “The Garbage Beauty Queen” ngunit hindi nagpapatinag dito si Anna kaya hanggang sa ngayon ay may mukha siyang inihaharap kahit pa sa pagsali at patuloy na lumalaban para makamit ang titulong Miss Universe.

Fluent magsalita si Anna ng Thai, English, at French. Alam din niyang magsalita ng Mandarin Chinese.

Si Anna Sueangam-iam, Miss Universe Thailand 2022, habang suot ang kanyang gown mula sa recyclable na materyales. (Kuha mula sa Miss Universe Thailand Facebook account)

Very creative, very well-made gown

Ang stunning gown ni Anna Sueangam-iam, Miss Universe Thailand 2022, ang viral ngayon dahil sa napakaraming pageant fans ang humanga sa kanya.

Higit na hinahangaan si Anna dahil sa kuwento sa likod ng kanyang magarang gown.

Ang gown ni Anna Sueangam-iam, Miss Universe Thailand 2022, na mula sa recyclable na materyales. (Kuha mula sa Miss Universe Thailand Facebook account)
Ang malapitang kuha sa gown ni Anna Sueangam-iam, Miss Universe Thailand 2022.

Ang design ng kanyang kasuotan ay mula sa obra ni Arif Jehwang ng Thai company na Manirat. Inspired kasi ito sa sinasabing modest upbringing ng 24-year-old na si Anna upang makalikha ng masterpiece mula sa recyclable na materyales. Gawa ito sa used aluminium pull-tabs mula sa drink cans at diamonds ng Swarovski, kilalang jewelry and accessories brand sa mundo.

Ang pull-tab mula sa drink can, isa sa mga materyales sa pagbuo ng gown ni Anna Sueangam-iam, Miss Universe Thailand 2022.
Ito ang naging caption ni Anna Sueangam-iam, Miss Universe Thailand 2022, habang suot ang kanyang gown mula sa recyclable na materyales. (Kuha mula sa Facebook account ni Anna Sueangam-iam)

Ang evening gown na ito ay gracefully na inirampa ni Anna sa 71st Miss Universe preliminary competition round kaya napa-wow nang husto ang viewers.

Si Anna Sueangam-iam, habang inirarampa ang kanyang evening gown sa Miss Universe 2022 preliminary competition round. Naging viral ang mismong gown dahil na rin sa likha ito mula sa recyclable na materyales. (Kuha mula sa Miss Universe Thailand Facebook account)