Evening gown ni Chelsea Manalo, umani ng papuri

Si Chelsea Manalo sa kanyang evening gown na obra ni Pinoy fashion designer Manny Halasan. (Seven Barretto Instagram)

Hindi maitago ang paghanga ng mga tao sa pagsuot ni Chelsea Manalo sa kaniyang final evening gown na napakaelegante at bumagay sa maganda at pantay na kulay ng ating naging pambato sa 73rd Miss Universe 2024.

Ang beauty pageant ay ginanap sa Arena CDMX sa Mexico City nitong November 16, Saturday (November 17, 9:00 AM Linggo, Philippine time).

Ang naging kasuotan ni Chelsea ay ang white Tiffany gown ay covered in Ostrich Feathers with silver crystals na obra ng Filipino fashion designer na si Manny Halasan.

Si Chelsea Manalo sa kanyang evening gown na obra ni Pinoy fashion designer Manny Halasan. (Seven Barretto Instagram)

Hindi man naiuwi ni Chelsea ang korona pero naroon at buo pa rin ang suporta at pagkilala ng mga Pinoy sa kanya at naging grateful nang husto rito ang ating reyna.

Si Chelsea Manalo sa kanyang evening gown na obra ni Pinoy fashion designer Manny Halasan. (Seven Barretto Instagram)
Ang detalye ng kasuotan ni Chelsea Manalo na kanyang evening gown na obra ni Pinoy fashion designer Manny Halasan. (Seven Barretto Instagram)

Si Manny din ang nagdisenyo ng eye-catching blue dress ni Chelsea na inirampa niya sa ginanap na evening gown segment ng preliminary competition ng naturang pageant noong November 15 (Philippine time).

Ang blue dress ni Chelsea Manalo na obra ni Pinoy fashion designer Manny Halasan para sa evening gown segment ng preliminary competition ng Miss Universe 2024. (Seven Barretto Instagram)
Ang blue dress ni Chelsea Manalo na obra ni Pinoy fashion designer Manny Halasan para sa evening gown segment ng preliminary competition ng Miss Universe 2024. (Seven Barretto Instagram)