Rakrakan Festival: Ely Buendia, Rico Blanco sa Nob 25-26

Humanda na sa grand finale ng The Last Rakrakan Festival 2023 dahil ihahatid nito ang dalawang araw ng extraordinary performances, culture, at unity sa Nobyembre 25 at 26 sa SMDC Festival Grounds, Parañaque City, tampok ang mahuhhusay na artists at engaging activities.

Sa Day 1, Nobyembre 25, hahataw ang iconic artist na si Rico Blanco kung saan tampok din dito ang iba pang artists tulad ng December Avenue, Sugarcane, Munimuni, Orange and Lemons, Kiyo, Kjwan, Nobita, Razorback, Saydie, Skychurch, Galaw Tao, Autotelic, Barbie Almalbis, CHNDTR, Better Days, Mizael, Kiss N Tell, at iba pa.

 

 

Sa Day 2, Nobyembre 26, bibida ang legendary rock star icon na si Ely Buendia kasama ang iba pang artists tulad ni Juan Karlos, Zild, Blaster, Unique, Dilaw, Mayonnaise, Valley of Chrome, Greyhoundz, Typecast, Chicosci, Bandang Lapis, Chocolate Factory, The Chongkeys, Brownman Revival, Pedicab, at marami pang iba.

 

 

Ang performances sa The Last Rakrakan Festival ay maghahatid ng iba’t ibang activities, kabilang ang Car Show (B2B), Skate Clinic (Malachi), Street Art Competition (in partnership with Do It), Perya Games, Food and Merch Bazaar, at iba pa.

Sa three main stages—Peace, Center, and Mosh—at dagdag pang mini-stages tulad ng Busking, Manila Wrestling Federation & Sunugan Battles, Musiklaban Audition Stages, and Cosplay Stage, ang festival na ito ay tiyak na magbibigay ng unique and immersive experience dahil sa samu’t saring music genres and talents.

Available ang tickets sa iba’t ibang platforms

SMtickets website: https://smtickets.com/events/view/12532

Available at all SM Ticket outlets nationwide

Beetzee (Gcash & Maya): http://rakrakan.beetzee.com

Lazada: http://lazada.com.ph/rakistaclothing

Shopee: http://shopee.ph/rakistaclothing

Additional SM Ticket charges apply.

Ticket options include:

GEN-AD: Access sa lahat stages at common areas.

VIP: Access sa lahat ng stages at common areas, VIP Areas (Mas malapit sa stages), Meet & Greet, Dedicated Portalet.

S-VIP: RF 2023 Official Event Shirt, Access sa lahat ng stages at common areas, S-VIP Areas (Nasa best view ng stages), Meet & Greet, Dedicated Portalet, at DSLR Access.

Para sa ibang detalye, bisitahin ang official festival website sa www.rakrakanfestival.com.