Edz Xien Malaca, handa na sa Mister Asia Pacific Int’l

Si Edzairo Xien Sicat Malaca na itinanghal na Mister Asia Pacific Philippines noong November 11, 2022 sa Legazpi City, Albay. (Kuha ng Mar Photography)

Si Edzairo Xien Sicat Malaca, isang bente-uno anyos na binata na itinanghal na Mister Asia Pacific Philippines noong November 11, 2022 sa Legazpi City, Albay ay puspusan nang naghahanda sa kanyang international competition na gaganapin din sa Legazpi City sa May 2023.

Tubong Cabanatuan City, naging kinatawan si Edz ng Nueva Ecija sa local pageant bilang Ginoong Nueva Ecija. Ito ang kanyang unang titulong napanalunan noong September 10, 2022 na organized ng Nuline Events & Theater Production, na pinamumunuan ni Mr. Melvin Alvaran isang kilalang talent manager at pageant organizer sa nasabing lalawigan.

Lubos ang pasasalamat ni Edz sa kanyang Pageant Glam Team na binubuo ng kanyang Trainor/ Makeup artists na sina Joff Jade Cacayorin at Paul John Fernandez na puspusan din ang ginawang paghahanda sa kanyang pageant victory. Bukod sa titulong Mister Asia Pacific Philippines, nakuha din ni Edz ang tatlong special awards na Best in Formal Wear, Best in National Costume and Mr. Puff Street. Pinasalamatan din niya si Mr. Ranni Bogz Bho ang owner at organizer ng Mister Asia Pacific International sa karangalang mai-represent ang Pilipinas sa international competition.

Si Edzairo Xien Sicat Malaca (gitna) kasama ang ilang mga nagwagi sa ginanap na Mister Asia Pacific Philippines 2022 sa Legazpi City, Albay. (Kuha ng Mar Photography)

Mula sa rehiyon na tinaguriang Rice Granary ng Central Luzon nais ni Edz na maging boses ng mga magsasaka, at i-advocate ang kapakanan ng mga ito upang maingat ang antas ng kanilang kabuhayan at kalagayan na madalas ay nababalewala ng mga kinauukulan. Ang mga magsasaka aniya ay mahahalagang stakeholders ng economic development kung kaya’t dapat silang pagtuunan ng panahon.

“Pageant is a good platform to voice out an advocacy on important social issues and be a catalyst for change. I’ll do all my best effort to make my ‘provincemate’ in Nueva Ecija and the Philippines be proud and bring home the Mister Asia Pacific International 2023 title”, dagdag pa ni Edz sa panayam sa kanya sa ginawang press presentation ng mga kalahok na ginanap sa Atrium ng SM City Cabanatuan.

Tulad ng nauna sa kanyang male pageant winners, nais din ni Edz na pasukin ang larangan ng showbiz at entertainment arena, hindi naman ito malayong mangyari dahil sa kanyang angking kaguwapuhan at kakisigan.

Mula sa BiLiBB good luck sa iyo, Edz!

Si Edzairo Xien Sicat Malaca (gitna) kasama ang ilang nagwagi sa ginanap na Mister Asia Pacific Philippines 2022 sa Legazpi City, Albay. (Kuha ng Mar Photography)
Si Mister Asia Pacific Philippines 2022, Edzairo Xien Malaca sa swimwear segment ng competition. (Kuha ng Mar Photography)
 Si Edz na nagwagi ng Best Costume na idinsenyo ni Mark Tolentino. (Kuha ng Mar Photography)