Early Favorites sa Bb. Pilipinas 2023

Pormal nang nagsimula ang pagpili ng Top 40 official candidates ng Bb. Pilipinas, ang pinakauna at pinakaprestihiyosong national pageant search sa bansa na ngayon ay nagdiriwang ng ika-60 taon ng pagkakatatag.

Mula sa mahigit 60 aplikante mula sa iba’t ibang lugar ng bansa, 35 kababaihan na kalauan ay nadagdagdan ng lima pa para makumpleto ang top 40 Official Candidates ang inanunsyo noong February 6, sa New Frontier Theater matapos ng metikolosong pagpili ng Bb. Pilipinas Executive Committee.

Dahil sa angking ganda, talino, tindig at popularidad ng mga kalahok, ilan sa mga napiling official candidates ang nagsilbing early favorites na aabangan ng pageant fans at enthusiasts sa kanilang mahigit tatlong buwang pageant journey. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod na Binibini…

Mary Joy Dacoron ng Oslob, Cebu Province, ang six-footer na professional volleyball player na napiling candidate matapos mabigo noong nakaraang taon na makapasok sa Top 40. Ang kanyang pure, exotic Filipina beauty at height ay tiyak na magiging patok sa ibang bansa kapag siya ay mabigyan ng pagkakataon na maisuot ang Philippine sash.

Samantala, ito pa ang ilang opisyal na kalahok:

Rheema Adakkoden ang reigning Miss Bicolandia 2022

Paulina Labayo, Miss Bicolandia 2019 at dating Miss World Philippines candidate

Angelica Lopez na mula sa Palawan

Kiaragiel Gregorio ng Cabanatuan City, Nueva Ecija

Jeanne Bilasano, na isang speech pathologist mula Albay Province

Lea Macapagal ng Dinalupihan, Bataan, at

Jessilen Salvador, mula naman sa Aklan Province at nakababatang kapatid ng artistang si Maja Salvador.

Katulad ng mga nakaraang taon, ang mga kandidata ay dominante ng dalawang pangunahing pageant camps ng bansa ang Aces and Queen at Kagandahang Flores o KF ni Mr. Rodgil Flores.

 

Sino kaya ang mga tatanghaling bagong Bb. Pilipinas at muling ibabandila ang bansa sa ilang international pageants tulad ng Miss International, Miss Globe at Miss Charm International?

Patuloy na subaybayan ang pageant updates sa official social media platform ng Bb. Pilipinas Charities Inc. at dito sa Bilibb.

Ang mga larawan ng kandidata rito ay mula sa Bb. Pilipinas Charities Inc. website.