E-bikes, e-trikes, tricycles ban sa nat’l roads sa Abril 15

Electric tricycle o e-trike

Hindi na papayagan ang mga electric bike (e-bikes), electric tricycle (e-tricycle o e-trike), tricycles, pedicabs, at pushcarts sa mga national road, circumferential road, at radial road ng National Capital Region na magsisimula sa Abril 15, 2024. Ito ang mahigpit na ipinag-uutos ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Kaugnay nito, tanging “pedal-assist” (de-padyak) bikes lamang ang papayagang dumaan sa mga national road o sa mga bike lane, ayon kay MMDA acting chairman Romando Artes.

Nagkaroon ng pagba-ban dahil sa aksidenteng nangyari noong nakaraang taon na may talang 907 na kinasangkutan ng mga sa nasabing uri ng mga sasakyan. Kung ihahambing noong 2019, nagtala ang awtoridad ng 309 na aksidente.

 

Parusa sa mga lalabag

May katapat na parusa sa sinumang lalabag sa kautusan ng MMDA.

Pagbabayarin ang lalabag ng P2,500 at ang unit ay maaaring ma-impound sakaling walang maipresentang driver’s license ang may-ari nito.

Si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chief Romando Artes habang ipinaliliwanag sa isang press conference nitong Lunes ang gagawing pagbabawal sa electric bikes, electric tricycle, tricycles, pedicabs, pushcarts sa mga national road sa Abril 15, 2024.

Mga kalsadang ipinagbabawal ng MMDA sa mga nabanggit na uri ng sasakyan

– Epifanio Delos Santos Avenue (EDSA)

–  Araneta Avenue, Quezon City

– Katipunan/C.P. Garcia, Quezon City

–  Elliptical Road, Quezon City

– Mindanao Avenue, Quezon City

–  Marcos Highway

– Shaw Boulevard, Mandaluyong / Pasig

– Ortigas Avenue, Mandaluyong / Pasig

– Southeast Metro Manila Expressway

–  Roxas Boulevard, Manila / Pasay / Parañaque

–  Taft Avenue, Manila / Pasay

–  Claro M. Recto Avenue, Manila

– President Quirino Avenue, Manila

–  Osmeña Highway (South Superhighway)

–  Magsaysay Boulevard/Aurora Boulevard, Quezon City / Manila

–  Quezon Avenue/Commonwealth Avenue, Quezon City

– Andres Bonifacio Avenue, Manila, Quezon City

–  Rizal Avenue, Manila

–  Del Pan/Marcos Highway/McArthur Highway