DWA-AT, Skin Atoz solusyon sa magandang skin health

Sa pormal na paglulunsad noong September 18 ng DWA-AT at Skin Atoz, premium Korean medical products sa pamamagitan ng TADESO Pharmaceutical Ventures Inc., tinalakay ito nina (mula sa kaliwa) veteran host RJ Ledesma; Janet Palmenco, Head ng Sales and Marketing ng TADESO; Dra. Ria Dela Cruz, TADESO founder at CEO; Dra. Eloisa Tulayba; Dra. Johanna Ojeda; at Yna Uy, Supermodel Universe International 2025 at Founder ng Asia World Fashion Week and Versa. (Kuha ni Ann Esternon)

Ang balat, na madalas itinuturing na pinakamalaking organ ng katawan, ay may mahalagang papel sa pagpapanatili ng overall health and wellness. Ito ay nagsisilbing mahalagang hadlang na nagpoprotekta sa mga panloob na organ mula sa panlabas na pathogens, polusyon, at nakapipinsalang UV radiation. Malaking problema kung ang balat na dapat naiingatan ay hindi naaasahan ang ganap na tungkulin nito.

Kamakailan, pormal na ipinakilala ang premium Korean medical products sa pamamagitan ng Filipino pharmaceutical company na TADESO (Targeted Dermatological Solutions) Pharmaceutical Ventures, Inc.

Sa pagsasama ng natural ingredients sa Korean expertise and technology, nagbibigay ang TADESO ng mga makabagong solusyon para sa pangangalaga ng sugat at balat na eksklusibong mabibili sa Pilipinas.

Tinitiyak ng TADESO na ang mga indibiduwal ay may access sa mga epektibo, evidence-based natural skin care solutions na maingat na dinisenyo, siyentipikong napatunayan, at accessible sa maraming Pilipino. Pinahahalagahan ng TADESO ang isang holistikong pamamaraan sa pangangalaga ng sugat, nakabatay sa kalikasan, clinically formulated, masusing sinubok, at tunay na nakagagaling.

DWA-AT, Skin Atoz: Mga produktong de-kalidad

Kabilang sa dumaraming portfolio ng TADESO ang DWA-AT, NDA Plus, Neo HC Gel, at Skin Atoz na ang bawat isa ay epektibong tumutugon sa mga tiyak na pangangailangan sa pangangalaga ng balat at sugat dahil ito ay FDA approved.

Maasasahan ang kalidad ng mga ito dahil ito ay nakatutok na pangangalaga para sa skin conditions tulad ng eczema, psoriasis, atopic dermatitis, at solusyon din para sa paso, pantal, at iba pang skin concerns.

Sa mga ito, wala nang gagawin pang pagtatago sa skin conditions dahil masusulusyunan na ang problema.

Partikular na binigyang paliwanag ng TADESO ang produktong DWA-AT at Skin Atoz na mas hinahanap at kinakailangan ng consumers.

* DWA-AT (Dermatitis Wiped Away – Atopic Therapeutic): Ang makabagong produktong ito ay walang steroid at parabens, pinagsasama ang glycerol, tannin, honey, at herbal extracts upang epektibong matugunan ang mga kondisyon tulad ng atopic dermatitis, eczema at psoriasis, at sumusuporta sa paggaling ng sugat at infection control.

* Skin Atoz (Skin Allergen Treatment Optimum Zeal) – isang therapeutic skin lotion na binuo para sa sensitibong balat na nangangailangan ng pinakamainam na pangangalaga. Ang produktong ito ay naglalaman ng pinaghalong glycerol, honey, herbal extracts, at carbomer—mga likas na sangkap na pinili dahil sa kanilang moisturizing properties at kakayahang suportahan ang proseso ng pagpapagaling ng balat. Ang product na ito ay walang steroids, antihistamines, at parabens, kaya’t angkop ito para sa gentle care at mahabang paggamit. Mahusay din ito sa diaper rash at post-laceration (sugat).

“We are built on one guiding mission, healing through nature, empowered by science. We believe that everyone deserves to feel comfortable. A vision is a person with a story. A story of challenges, sleepless nights, the psychological weight of feeling uncomfortable in your own skin, however, never losing hope for the desire of a better quality of life. This belief is at the heart why Tadeso was created,” ayon kay TADESO founder at CEO na si Dra. Ria Dela Cruz na minsan na ring nagkaroon ng eczema.

“Chronic skin conditions like eczema, psoriasis, and atopic dermatitis affect quality of life. Yet conventional management often traps vulnerable patients, especially babies and pregnant mothers, in a cycle of steroid dependency and rebound flares. TADESO philosophy is focused on high-performing medicine that should not require high-risk side effects,” pagpapatuloy pa ni Dr. Cruz.

Kasalukuyang mabibili ang TADESO products sa kanilang website, Shopify, TikTok, Lazada at Shopee. Nalalapit na ring maging available ito sa major drug stores sa bansa.

(Para sa iba pang mga larawan, tingnan dito)