Duty Free Philippines Christmas Lighting Ceremony imahe ng tagumpay

Tulad ng nakagawian, energetic na iprinesenta ng Duty Free Philippines Corporation (DFPC) ang kanilang pinakabagong event ngayong holiday season, ang Christmas Tree Lighting Ceremony.

Pormal itong ginanap sa prestihiyosong Luxe Duty Free sa Mall of Asia (MOA) complex sa Pasay City gabi ng Nobyembre 16, 2022.

Duty Free Philippines Corporation Chief Operating Officer Vicente Angala. (Kuha ng Bilibb)

Ang pagpapailaw na ito ay isang matibay na tagumpay sa muling pagbangon ng DFPC sa epekto ng pandemya. Ayon kay DFPC Chief Operating Officer Vicente Angala, umaasa rin ang ahensya na magiging maliwanag ang kahaharapin nilang mga taon.

Sa aktibidad na ito ay malaking suporta rin ang pagdalo ng Department of Tourism sa pangunguna ng kalihim na si Maria Esperanza Christina Garcia Frasco.

Department of Tourism Secretary Christina Garcia Frasco. (Kuha ng Bilibb)

Dumalo rin sa okasyon sina Chief Operating Officer Mark Lapid ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone; DOT Undersecretary for Legal and Special Concerns and Chief of Staff Atty. Mae Elaine Bathan, DOT Undersecretary Ferdinand Jumapao, DFPC Board of Directors, representatives mula sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, suppliers at brand officials.

Sa Christmas Lighting Ceremony ng Duty Free Philippines sa pangunguna ng kanilang Chief Operating Officer Vicente Angala (ikatlo mula sa kaliwa), sinuportahan ito ng DOT key officials na sina (mula sa kaliwa) Undersecretary and Chief of Staff Mae Elaine Bathan, Secretary Christina Garcia Frasco, at Undersecretary Ferdinand Jumapao. (Kuha ng Bilibb)

Ang okasyong ito ay ikinatuwa rin ng madatnan ng DFPC loyal patrons na balikbayang overseas Filipino workers at banyagang mga turista.

Bagong Duty Free Philippines logo ipinakilala

Sa taunang event na ito ng nasabing government corporation, kasabay ding inilabas sa media ang kanilang bagong logo.

Ang bagong logo ng Duty Free Philippines.

Nagkaroon ng pagbabago sa logo upang manatiling nasa linya ng makabago at umuusbong na consumer trends sa buong mundo ngunit naroon pa rin ang nakaugaliang tradisyon ng state-owned corporation na ito. Hatid nito ay mas sariwa at modernong imahe na ipagmamalaki ng bansa – bitbit ang kultura at hospitality ng mga Pilipino.

Ang Luxe Duty Free na matatagpuan sa Mall of Asia complex sa Pasay City. (Kuha ng Bilibb)
Ang isa sa mga eleganteng dekorasyon na temang Pinoy ng Luxe Duty Free.
Ang eleganteng dining area para sa Christmas Tree Lighting Ceremony sa Luxe Duty Free. (Kuha ng Bilibb)

Kasaysayan ng Duty Free Philippines

Unang nagkaroon ng Duty Free Philippines noong May 2, 1987 na matatagpuan sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Pasay City. Ito ay tindahan na kung saan mabibili ang iba’t ibang liquor, fragrances, confectionery kabilang ang mga tsokolate, at marami pang iba na mula sa iba’t ibang bansa at sa Pilipinas.

Ang dating logo ng Duty Free Philippines

Ang pag-usbong ng DFPC ay mula sa naging Executive Order No. 46 (E.O. 46) noong Setyembre 4, 1986. Dito ay pinahihintulutan ang DOT sa pamamagitan ng Philippine Tourism Authority (PTA) na magtatag at magpalakad ng isang duty at tax free na sistema ng pangangalakal sa Pilipinas sa layuning pagpapalaki ng mga pasilidad ng serbisyo para sa mga turista at pagbuo ng palitan ng dayuhang salapi (foreign exchange) at kita para sa pamahalaan.

Sa sistemang ito, ang PTA ay may eksklusibong awtoridad na magpalakad ng mga tindahan at tindahan na nagbebenta nang walang buwis at duty free merchandise, mga kalakal, at artikulo sa mga internasyunal na paliparan at daungan sa buong bansa o mangontrata sa mga pribadong partido sa pamamagitan ng public bidding upang makapagpatakbo ng mga tindahang ito.

DFP sa buong kapuluan

Sa ngayon, may 10 tindahan ang Duty Free Philippines sa buong bansa:

DFP Fiestamall sa Parañaque City – off-airport store

DFP NAIA Terminal 1, Pasay City

DFP NAIA Terminal 2, Pasay City

DFP NAIA Terminal 3, Pasay City

DFP Luxe, MOA Complex Pasay City – off-airport store

DFP Kalibo International Airport, Aklan

DFP Iloilo International Airport, Iloilo City

DFP Mactan International Airport, Cebu

DFP Bacolod-Silay City International Airport

DFP Clark International Airport, Pampanga