Simula sa linggong ito, inobliga nang mag-commute ang mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr) papasok sa kanilang tanggapan.
Ito ay base sa memorandum na inilabas ng acting secretary ng ahensya na si Giovanni Lopez. Inaatasan na dapat gumamit ng pampublikong transportasyon ang mga opisyal isang beses o higit pa sa isang linggo.
Ayon sa ahensya, sa paraang ito ay mararanasan ng mga opisyal ang nararanasan ng mga regular commuter sa araw-araw at makita ng mga ito kung anong mga problemang dapat malutas ng kanilang hanay.
Inaatasan din ang mga opisyal na magpasa ng kanilang report bases sa pag-commute nila kung saan naglalaman ito ng obserbasyon, rekomendasyon at solusyon sa matutukoy na isyu para mapabuti ang public transport.

