DOT pipirma sa tourism job fair program katuwang ang DOLE

Opisyal na pipirma ang Department of Tourism (DOT) katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa Trabaho, Turismo, Asenso! na isang job fair program.

Ang partnership ng dalawang sangay ng pamahalaan ay pipirmahan sa Agosto 30 sa ilalim ng Memorandum of Understanding (MOU) upang maisulong nang husto ang programang “Trabaho, Turismo, Asenso! National Tourism Jobs Fair” para sa solido at epektibong turismo ng bansa.

Ang MOU ay lalagdaan nina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Labor Secretary Bienvenido Laguesma bilang mga pinuno ng kani-kanilang departamento sa Conrad Hotel sa Pasay City.

“We are prioritizing the provision of employment opportunities in the tourism and hospitality sector in response to the severe losses in income and livelihood due to the pandemic, and the present shortage of workforce in the tourism industry. The Trabaho, Turismo, Asenso Job Fairs will help our fellow Filipinos find jobs while helping the accommodation and services sector address workforce shortages, resulting in the continued recovery of the tourism industry as a whole,” ani Secretary Frasco.

Ang Trabaho, Turismo, Asenso! National Tourism Job Fair ay ilulunsad sa gaganaping the Hotels Supplier Show sa Setyembre 22 hanggang 24 sa SMX Convention Center Manila, Mall of Asia Complex. Ang job fair ay isang multi-month campaign at magtatapos sa Mayo 2023 kasabay ng ika-50 Anibersaryo ng Pagkakatata ng DOT. Ang Global-Link MP, na siyang organizer ng Hotels Supplier Show, ay maghahandog ng 50 free booths for the job fair program. Ang iba sa mga initial job fair locations ay kinabibilangan ng Metro Manila, Cebu, at Davao.

Gaya ng nabanggit sa MOU, ang DOT sa pamamagitan ng kanilang Regional Offices ay makikipag-ugnayan sa concerned DOLE Regional/Field Offices at Public Employment Service Offices (PESO) sa Local Government Units para magsagawa ng job fairs; kumulekta ng relevant job posting information mula sa participating establishments; masiguro ang kredibilidad ng lahat ng participating employers; at, mabantayan ang pagsusumite ng job fair reportorial requirements ng participating establishments.

Maliban sa employment opportunities sa bansa, inanunsyo rin kamakailan ni Tourism Secretary Frasco ang overseas hospitality career opportunities na magiging bukas sa mga Pilipino sa isang magkahiwalay na job fair sa koordinasyon ng Department of Migrant Workers at DOLE. Ito ay matapos humingi ng tulong kay Secretary Frasco ang Minister of Tourism and Sports (MOTS) ng Thailand na si Phiphat Ratchakitprakarn para sa posibleng mga oportunidad sa pagtatrabaho sa turismo para sa mga Pilipino sa Thailand. Nabuo ito sa bilateral meeting ng dalawang ministro sa sideline ng katatapos na APEC Tourism Ministerial Meeting sa Bangkok.

“Providing tourism employment opportunities in the Philippines and abroad is important because this will help the thousands of Filipino workers and their families who were displaced or repatriated because of the pandemic. For new graduates and others seeking a career in tourism, this will also open new doors for economic prosperity. Overall, the goal is to balance the need for services of the accommodation sector with the needs for employment of tourism workers, that would lend stability to the tourism industry,” enthused Secretary Frasco.