DOT nakikipag-ugnayan sa tourist destinations, heritage sites na naapektuhan ng lindol

Bantay Bell Tower ng Bantay, Ilocos Sur

Mula sa derektiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mga lugar na apektado ng malawakang lindol kamakailan sa Hilagang Luzon, ipinag-utos ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco ang DOT regional offices na makipag-ugnayan sa kani-kanilang local government units (LGUs) upang malaman ang danyos na iniwan ng lindol at matugunan ang pangangailan para sa naapektuhang tourism-related establishments.

Inatasan din ni Frasco ang infrastructure arm ng DOT na Tourism Infrastructure Enterprise Zone Authority (TIEZA) upang malaman kung anong tulong ang maibibigay ng ahensya partikular sa cultural at heritage sites dahil sa trahedyang naganap.

Base sa inisyal na mga ulat, dalawang simbahan na idineklarang “National Cultural Treasure” ng National Museum of the Philippines ang nasira habang maraming heritage at ancestral houses ang naapektuhan din ng lindol.

“We will request TIEZA to prioritize assessment of the cultural treasures affected by the recent earthquake recognizing the need to protect and sustain our heritage and cultural treasures for the benefit and welfare of our future generations,” ani Tourism Secretary Frasco.

Ang mga naapektuhang tourist destinations:

Abra

Sta. Catalina de Alexandria Church, isang 19th century baroque church at idineklarang  National Cultural Treasure ng National Museum of the Philippines noong 2001.

San Lorenzo Ruiz Shrine, isang centuries-old church, na itinayo noong unang bahagi ng 1920s sa Municipality ng Bangued. Ang shrine ay isang National Cultural Treasure, ang pinakaluma at pinakamalaki sa Cordillera.

Ilocos Sur

Heritage City ng Vigan, pamoso sa Spanish colonial at Asian architecture nito, kung saan ang recorded damage rin ay ang tourist destinations gaya ng Vigan Cathedral.

Syquia House, isang ancestral home na naging museo sa Vigan, na nasira nang husto ang pader at mga bintana. Ang Hotel Linda ay napaulat ding may minor damage at gayundin ang marami pang heritage at ancestral houses sa kahabaan ng Vigan Heritage Village.

Bantay Bell Tower sa Bantay, Ilocos Sur na halos masira dahil sa lindol. Ang St. John the Baptist Church sa San Juan, Ilocos Sur na naiulat na nasira sa harapan at kisame.

Samantala, maraming ground faulting din ang makikita sa Santa Ana Beach Area.

Baguio City

Baguio City, dalawa sa accommodation establishments dito ang nagtamo ng minor cracks sa mga gusali. Ito ang Lafaayette Luxury Suites Hotel at Crown Legacy na sa ngayon ay hindi tatanggap ng mga bisita para sa kaligtasan.

TIEZA properties

Gayundin, dalawa sa pag-aari na hinahawakan ng TIEZA ay nasira rin. Ang riprap at ceiling ng Banaue Hotel at Youth Hostel sa Ifugao ay bahagyang gumuho ayon sa inisyal na ulat ng ahensya.

Samantala, gumuho ang kisame sa fireplace at lobby area ng Mt. Data Hotel sa Bauko, Mt. Province, habang maraming hotel decorations din ang nasira.  Ayon sa TIEZA, lahat ng bookings ay ikakansela sa parehong hotel hanggang sa maisailalim ito sa tamang assessment.

“My concern and sympathy are one with those who have been affected by the recent earthquake in Northern Luzon. The Department will extend whatever help it can to tourism stakeholders and establishments that have been directly affected by this incident. I have requested the DOT Regional offices in Northern Luzon to continue with the assessment of the extent of the damage and to immediately submit the report for our appropriate actions and assistance,” dagdag pa ni Frasco.

“Our resilience as a nation has already been tried and tested in the past. I am certain that this can be strengthened by the essential collaboration between our national agencies, local governments, and crucial stakeholders as we conquer our challenges,” pagtatapos ni Frasco.