DOH sa PhilHealth: Isama ang ultrasound, mammogram sa Konsulta package

Cervical cancer ultrasound at mammogram service.

Nagbigay ng direktiba ang Department of Health sa Benefits Committee (Bencom) ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na isama sa Konsulta benefit package ang pagkakaroon ng ultrasound at mammogram services upang higit na pakinabangan ng publiko.

Ang direktiba ay inanunsyo ni DOH Secretary Teodoro Herbosa nitong Martes.

“Following orders of President Marcos, I have directed the PhilHealth Benefits Committee, chaired by Assistant Secretary Domingo, to work on adding ultrasound and mammogram services in the current Konsulta benefit package, for immediate implementation nationwide,” ani Herbosa.

“This initiative aligns with our commitment to sustainable financing of preventive health services,” aniya pa.

Noong nakaraang taon, iniulat ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang mga rate ng screening ng breast cancer at cervical cancer sa bansa ay lubhang mababa dahil na rin sa kakapusan sa pera. Ang naturang mga canser ay karaniwang sakit ng mga kababaihang Pilipino.

Ang chairman ng PhilHealth Board of Directors ay si Herbosa, at kinakatawan din sa Bencom ni Albert Edralin Domingo, ang OIC Assistant Secretary of Health.