Doc Ellen Saints, Christine Escalante may adhikain sa 2023

Sina Christine Escalante (kaliwa) bilang Ms. Global Universe 2022-23 at Doc Ellen Saints bilang Mrs. Universe Elite 2022-23 sa kanilang Victory Presscon noong December 23, 2022 na ginanap sa Maynila. (Kuha nina Christine Escalante at Joel Maniquis)

Health economic recovery and prosperity. Iyan ang common aspirations for 2023 nina Doc Ellen Saints and Christine Escalante, ang dalawang beauty queen moms na kamakailan ay nanalo sa Mrs. Universe Official pageant na ginanap sa Sydney, Australia.

Ang goals ng beauty queens ay ang sagot nila sa media sa kanilang victory presscon na ginanap sa City Tower State sa Ermita, Manila noong December 23. Ang event ay nagsilbi na ring advance birthday celebration ni Christine na nag-birthday noong Pasko, December 25.

Si Doc Ellen ay nanalong Elite Mrs. Universe 2022 at nag-uwi rin ng special awards na Best in Advocacy 2022, Best in Talent 2022, at Best in National Costume 2022. Samantala, si Christine naman ay Ms. Universe Global 2022 at hinirang ding Ms. Universe Public Choice

Pageantry’s most popular mom at Mrs. Universe Official Ambassador. kasama nilang nagwagi si Monique Cantalejo Rivera ng Laguna na kumatawan ng Asia Pacific bilang Mrs. Universe Global 2022, Mrs. Universe Ambassador at Best in Tourism Video sa naturang pageant.

Sina Christine Escalante (ikalawa mula sa kaliwa) at Doc Ellen Saints (ikalawa mula sa kanan) kasama ang mga malalapit na kibigan sa pageantry na sina Onin Mas at Ovette Ricalde. (Kuha nina Christine Escalante at Joel Maniquis)

Sa naturang presscon, pinasalamatan nina Doc Ellen at Christine ang mga tao at organisasyon na malaki ang naitulong sa kanilang pageant journey at victory, tulad ng kanilang mga pamilya, kaibigan, mentors at pageant media at organizers. Patuloy anilang tutuparin ang kani-kanilang duty, advocacy at charity undertaking way beyond their reigns as Mrs. Universe queens.

Nai-share rin nila ang mga magagandang experience na makilala ang iba pang mga misis na galing sa iba’t ibang bansa at magpalitan ng mga karanasan bilang mga nanay at maybahay. Isang valuable life learning experience anila ang Mrs. Universe Official pageant. Kahalintulad ng maraming maybahay na nabighani sa kinang ng korona ng pageantry, malaking panahon, pati na financial resources ang naipuhunan sa pagsali sa pageants kung kaya naman sa Bagong Taon ng 2023 nais naman muli nilang pagtuunan ang mga bagay na mas mahalaga bilang isang ina at babae. Ang paglalaan ng oras at panhon sa kani-kanilang pamilya at muling pagpapayabong ng kanilang mga kabuhayan upang mas marami pa silang matulungang tao na nangangailangan. “Charity always begins at home,” anila.

Kanila ring tinuran na bilang mga misis, mahalaga rin na tutukan ang self-worth at patuloy na pagsumikapang abutin pa rin ang personal na pangarap sa kabila ng pagiging abala sa mga tungkulin bilang mga nanay at maybahay. Kaya’t sa  Bagong Taon, haharapin ng dalawang reyna ang 2023 na may ibayong pag-asa at pagpupunyagi upang makabawi sa mga ‘di magagandang karanasan ng papatapos ng 2022.

Mula sa BiLiBB, isang mapagpalang Bagong Taon sa lahat!

Escalante and Saint 002
Sina Christine Escalante (kaliwa) bilang Ms. Global Universe 2022-23 at Doc Ellen Saints bilang Mrs. Universe Elite 2022-23 sa kanilang Victory Presscon noong December 23, 2022 na ginanap sa Maynila. (Kuha nina Christine Escalante at Joel Maniquis)