Disyembre 26, isa pang karagdagang holiday

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isang additional special non-working holiday sa buong bansa sa Lunes, Disyembre 26, 2022, ang araw matapos ang Pasko.

Ang deklarasyon ay batay sa inilabas na Proclamation No. 115 na nilagdaan ni Marcos na nagsasaad na “longer weekend will encourage families to get together and strengthen their relationship towards a more productive environment, and will promote domestic tourism.”

Samantala, sa Proclamation No. 90 ay inisyal na inanunsyo na isang special non-working day ang Enero 2, 2023 bilang tugon din na mapalawig pa ang tradisyong pagsasama-sama ng mga Pinoy ngayong holiday season.