Differently-abled kids bahagi ng medical mission ng PMPC

Kasama ng Millennial Pop Princess na si Janah Kristine Zaplan ang mga bata na mula sa St. Francis Integrated Arts School Inc. Isa si Janah sa mga sumuporta sa SM Foundation, Inc.-Philippine Movie Press Club Medical & Dental Mission 2 at nag-avail din ng medical services. (Kuha ni Leony Romero-Garcia)

Due to their vulnerability to health issues, children with disabilities were strictly ‘kept’ during the 2-year lockdown due to the pandemic. At walang nakaalala sa kanila kung kumusta na sila during that time.

Sa aming pagkakaalam ay halos hindi rin sila naabutan ng ayudang pambili ng gamot o vitamins. Marami sa kanila ay hindi rin nabigyan ng required therapy. Kaya naman this time na nakalalabas na ang lahat at puwede nang magkita nang face-to-face, unang naalala ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang mga batang ito. Sinundan din ito ng suporta ng SM Foundation, Inc. (SMFI).

Ang mga bata na mula sa St. Francis Integrated Arts School Inc. kasama ang kanilang ever-dedicated teachers. (Kuha ni Leony Romero-Garcia)

Ang mga batang differently-abled ng St. Francis Integrated Arts School Inc. ay naging young beneficiaries ng SMFI-PMPC Medical & Dental Mission 2. Likewise, their teachers, parents or caregivers na nakakuha rin ng free consultation and medicines.

Naging matagumpay ang medical mission sa tulong nina Ms. Connie Angeles who heads the Health and Medical Programs of the SMFI with Assistant Project Manager Dalfhen Samson, and Medical Team head Dr. Bless Bertos.

Ang mga estudyante ng St. Francis Integrated Arts School Inc. kasama ang inyong lingkod at fellow Philippine Movie Press Club officers na si Fernan de Guzman at Melba Llanera.

Ang mga naging volunteers sa misyong ito ay mula sa Philippine Red Cross, doctors from Manila Medical Society, DWIZ (for the coverage and interview, MX3 – DMIRIE Foundation, Inc., and Volunteer Dentist Dr. Joel Galapon were also on hand to attend to the kids.

Kami ay nagpapasalamat kay ma’am Becky for trusting PMPC and giving a school break for the event. Thank you, teachers for bringing the kids to the venue.

Ang St. Francis Integrated Arts School Inc teachers na sina Monette Magundayao, Wilma de Guzman, Rose, at Stephanie Jean kasama si Marie Angeline Garcia. (Kuha ni Leony Romero-Garcia)

What a joy to see our little ones once again. Keep healthy kids, SM Foundation loves you!

Thank you, MX3 for the gifts and Jollibee treat for them!l