Diarrhea nakamamatay kapag hindi naagapan

Ang diarrhea o pagtatae ay isang pangkaraniwang gastrointestinal disorder na naglalarawan sa sitwasyon na habang dumudumi nang madalas ay matubig ang inilalabas o hindi solido, may kasamang pananakit ng tiyan at panghihina ng katawan. Kapag lumalala at tumagal nang hindi naagapan o walang sapat na gamutan at pagsusuri ng doktor ay maaari itong makamatay.

Nangyayari ang diarrhea kapag ang digestive system ay hindi maka-absorb ng tubig o nutrients mula sa pagkaing nakonsumo, kung kaya ang mismong dumi (stools) ay matubig. Ang kondisyon na ito ay maaaring sanhi ng iba’t ibang salik (factors), kabilang ang viral o bacterial infections, pagkalason sa pagkain, mga reaksyon sa mga medikasyon, pagbabago sa pagdumi, at dahil sa mga medikal na kondisyon. Ang kalubhaan ng diarrhea ay maaaring magsimula sa banayad at self-limiting hanggang sa talamak at pagkahina.

Ang isa sa mga pangunahing panganib ng diarrhea ay dehydration. Ang madalas na paglabas ng malambot at matubig na pagdurumi ay maaaring humantong sa malaking kawalan ng fluids at electrolytes mula sa katawan. Ito ay maaaring magresulta sa hindi pagkabalanse sa mahahalagang mineral tulad ng sodium, potassium, at chloride, na mahalaga para sa wastong paggana ng iba’t ibang sistema ng katawan.

 

Mga lunas sa diarrhea

Probiotics. Ang mga pagkain at inumin na nagtataglay ng probiotics ay makabubuti dahil ito ay may good bacteria na kikilo sa loob ng bituka para magkaroon dito ng healthy gut environment. Mabuti ang probiotics para sa normal na systema ng tiyan. Makukuha ito sa yogurt, kimchi, dark chocolates, green olives, pickles, cottage cheese, at iba pa.

Rehydration. Kailangang mapalitan ang tubig at electrolytes na nawala sa katawan. Uminom ng maraming tubig. Maaari ring uminom ng sports drink (tulad ng Gatorade) na may electrolytes at oral rehydration solutions na mabibili sa drug stores.

Over-the-counter na gamot. Bumili sa botika ng gamot kontra diarrhea kapag ang kondisyon ay hindi malala. Ang mga gamot na ito ay tulad ng loperamide.

Kapag chronic diarrhea o malala at nagpapatuloy hindi sapat ang pag-inom ng gamot.

 

Kailan dapat pumunta sa doktor?

– Kapag ang diarrhea ay lumampas na ng dalawang araw

– Kapag may dugo nang sumasama sa pagdurumi

– Kapag nilalagnat

– Kapag nananakit nang sobra ang tiyan

– Kapag may pagsusuka o pagsusuka ng may dugong kasama

 

Mga pagkaing dapat iwasan kapag may diarrhea

– Mamantika o may mantikang pagkain (kasama ang may gatang pagkain)

– repolyo

– broccoli

– madahong gulay

– mais

– kape

– tsaa

– gatas

– alak

– ice cream

 

Mga pagkaing mabuti kapag may diarrhea

– mansanas

– saging

– bread crackers

– puting kanin

– nilagang patatas