Dermclinic Megamall: Mas pinahusay, mas pinaganda

Matapos ang matagumpay na renovation, ang Dermclinic SM Megamall branch ay mas fresh ngayon kaya ramdam ang new look and feel nito. Ang pasilidad, na kilala sa bright pink, ay kumpleto sa amenities na kailangan para sa mga pasyenteng may concerns sa balat at buhok. Ang bawat customer ng Dermclinic ay maaaring makatiyak na ang bawat treatment ay pinangangasiwaan nang may pinakamataas na propesyonalismo at kadalubhasaan dahil ang klinika ay kilala sa palaging pagkakaroon ng highly skilled and well-trained dermatologists.

Sa ilalim ng management ng tagapagtatag nito na si Dr. Vinson Pineda, ang pangkat ng mga dermatologist ng Dermclinic ay gumagawa ng sarili nitong line of holistic skin and hair treatments, na kilala mula pa noong 1971. Matapos ang 50 taon sa industriya, ang kumpanya ngayon ay pinangangasiwaan ng kanyang mga anak na sina Dra. Angela Pineda at Mr. Arnold Pineda. Sa pamamagitan ng isang Masters sa Business Administration at mahabang panahon ng business training at coaching mula sa kanilang ama, sila ay may sapat na kagamitan upang pamunuan ang organisasyon na may kalidad.

Ang Dermclinic, isang brand na hinahangaan ng mga tapat na kliyente sa loob ng higit na 50 taon, ay naka-highlight sa SM Megamall refurbishment, kasama ang The Good Derma. Nagsusumikap ang Good Derma na palawakin ang pag-abot nito sa dumaraming bilang ng mga Pilipino sa buong mundo, habang pinararangalan ang tradisyon ng kanilang ama sa paglilingkod sa mga Pilipino nang may dermatological excellence.

“My brother (Arnold Pineda) and I wanted to mark our 51st year by us giving back, because we’ve received a lot of support and blessing, even back then from my dad’s clients. Now it’s the time to celebrate goodness. We want to multiply the goodness through our patients, first and foremost, and to be more present through The Good Derma. We want to reach people where they’re at,” ani Dra. Pineda.

Sa pagsusumikap na bigyan ang customer ng easily available, thoroughly researched, creative, and environmentally friendly skin and hair care products, inihahandog ng Dermclinic ang The Good Derma. Matatagpuan sa loob mismo ng klinika ang isang dedicated pharmacy room na may full range of skin and hair products, na nakatitipid ng oras sa bawat pagbisita. Pagkatapos ng evaluation o treatment, ang mga mamimili ay maaaring kumuha ng kanilang sariling pharmacy, na hindi na kinakailangan pang magtungo sa ibang botika.

Maaaring tumawag sa 09175906167 para sa appointments at consultations. Ang Dermclinic SM Megamall branch ay matatagpuan sa 55th floor, Building A, Brgy. Wackwack, Mandaluyong City.