DepEd: F2F public school classes sa bansa suspendido

Dahil sa inaasahang malawakang tigil-pasada at matinding init suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa ayon sa Department of Education (DepEd).

Ang suspensyon ay bunsod ng nationwide transport strike mula Abril 29 hanggang Mayo 1 at nararanasang extreme heat index.

Kaugnay pa nito, ipinag-uutos ng DepEd na ang pag-aaral ay itutuloy sa asynchronous classes o distance learning mode.

“All public schools nationwide shall implement asynchronous classes/distance learning on April 29 and 30, 2024,” ayon sa DepEd.

Sinabi pa ng ahensya na ang mga guro at non-teaching personnel sa lahat ng pampublikong paaralan ay hindi kinakailangang mag-report sa kani-kanilang istasyon.

Paglilinaw pa, ang mga pribadong paaralan ay hindi sakop ng patnubay ng DepEd, ngunit magkakaroon ng opsyon na ipatupad ito.

Pahayag ng Department of Education kaugnay ng suspensyon ng face-to-face classes sa lahat ng public school sa buong bansa.