Department of Transportation pinamunuan ni Apolinario Mabini

Ang Department of Transportation (DOTr) ay nagdiriwang ngayon ng kanilang 125th Founding Anniversary.

 

Mandato ng DOTr

Ang DOTr ay mahalaga sa mabisa at ligtas na transportasyon ng mga tao at produkto sa buong bansa. Ito ang pangunahing katawan ng pamahalaan na namamahala sa pag-oorganisa, pagpapatupad, at pagsasaayos ng lahat ng sistema ng transportasyon. Ang layunin nito ay lumikha ng isang napapanatiling, maayos na pinagsama-samang network ng transportasyon na nagpapalakas sa ekonomiya at nagpapabuti sa buhay ng mga Pilipino.

 

Pagkakatatag ng ahensya

Itinatag noong Enero 21, 1899, alinsunod sa Malolos Constitution, ang DOTr ay isa sa pinakanaunang ahensya ng pamahalaan ng Pilipinas. Ito ay sa panahon sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Emilio Aguinaldo.

Sa isang pangkalahatang pagpupulong ng Kongreso, niratipikahan ang Malolos Constitution at itinatag ang Konseho ng Pamahalaan ng Unang Republika ng Pilipinas.

Sa pagitan ng Enero 21, 1899 at Mayo 7, 1899 ay hinawakan ni Gracio Gonzaga ang naging Kalihim ng Deparment of Public Welfare, na nangangasiwa sa mga gawain ng transportasyon at komunikasyon, sa ilalim ng pamumuno ni Apolinario Mabini bilang Pangulo ng Gabinete, o Prime Minister.

Ang Communicaciones y Obras Publicasâ (Communications and Public Works Department) ay isa sa pitong departamentong itinatag nang si Pedro Paterno ay humalili kay Mabini bilang Pangulo ng Gabinete. Ang posisyon ng Kalihim ng Public Works and Communications ay ibinigay kay Maximo Paterno. Kasunod nito, isang departamento na ngayon ang nagtataglay ng Public Works, Transportation, at Communications.

 

Pangalan ng DOTr: Noon at ngayon

Sa paglipas ng panahon at sa mga nag-iibang administrasyon ng pamahalaan, ang pangalan ng ahensya ay nag-iiba-iba rin. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

– Department of Commerce and Police (1901)

– Department of Commerce and Communications (1916)

– Department of Public Works and Communications (1931)

– Department of National Defense, Public Works, Communications and Labor (1941)

– Department of Public Works and Communications (1942)

– Department of National Defense and Communications (1944)

– Department of Public Works and Communications (1945)

– Department of Public Works, Transportation and Communications (1951)

– Ministry of Public Works, Transportation and Communications (1979) – may dalawang ministries na tinawag na Ministry of Transportation and Communications at ang Ministry of Public Works and Highways

– Department of Transportation and Communications (1987)

– Department of Transportation (2016)