Deadly rabies: Aso pangunahing sanhi ng kamatayan ng tao

Rabies mas delikado sa tag-init

Ang rabies ay isang viral disease na nakaaapekto sa central nervous system ng mga mammal, kabilang ang mga tao. Ito ay naililipat sa pamamagitan ng laway ng isang nahawaang hayop, karaniwang sa pamamagitan ng isang kagat (o kalmot).

Maaari ding mangyari ang pagkahawa kung ang laway ng mga nahawaang hayop ay direktang nadikit sa mucous (halimbawa sa mata, ilong, o bibig) o sariwang sugat sa balat.

Maaari ring makakuha ng rabies mula sa paghawak sa tissue ng utak o nervous system mula sa isang nahawaang hayop.

Kapag ang virus ay pumasok sa katawan, ito ay naglalakbay kasama ang peripheral nerves patungo sa utak, kung saan ito ay nagiging sanhi ng pamamaga. Kung walang agarang paggamot, ang rabies ay halos nakamamatay.

Sa datos o kaso ng rabies, ang mga aso ang nagiging sanhi ng pagkamatay ng mga tao.

Ito ang central nervous system. Ito ay ang pinakamalaking nervous system na kinabibilangan ng utak at gulugod. Bilang karagdagan sa paghinga, tibok ng puso, mga hormone, temperatura ng katawan, at paggalaw, kinokontrol ng central nervous system ang pag-iisip, at emosyon. Samantala, ang peripheral nervous system ay tumutukoy naman sa mga parte na nasa labas ng utak at gulugod. Ito ang nerves o ugat na sumasangga mula sa utak at spinal cord. Ang peripheral nervous system ay kung paano natatanggap ng iyong utak ang pandama na impormasyon (sensory info) at kinokontrol ang lahat ng mga kalamnan. Ito ang nerves na kumokonekta sa ulo, mukha, mata, ilong, kalamnan, at tainga papunta sa utak.

 

Mga hayop ang nagtataglay ng rabies

Ang rabies ay isang zoonotic viral disease na nangyayari sa pagitan ng domestic (pets) at wild animals.

Ang zoonotic diseases (o zoonoses) ay sanhi ng mga mikrobyo na kumakalat sa pagitan ng mga hayop at tao.

Ang mga hayop na mayroong rabies ay ang:

Pets at farm animals

– aso

– pusa

– kalabaw

– baka

– baboy

– kambing

– kabayo

Wild animals (ligaw o galang mga hayop)

– unggoy

– paniki

– racoon

– cayotes

– foxes

– skunks

– otters

– ferrets

Ang mga maliliit na mammal, tulad ng mga daga, ay halos hindi nakakukuha ng virus o nagkakalat ng rabies, bagaman ang anumang mammal ay maaaring magdala nito at ikalat nito. Higit pa rito, ang mga kuneho rin ay hindi maaaring magpadala ng rabies.

 

Dami ng kaso o nabibiktima ng rabies sa mundo at Pilipinas

Batay sa Department of Health, 55,000 ang namamatay dahil sa rabies kada taon sa buong mundo. Ang 56% nito ay nasa Asya at 43.6% ang nasa Africa na kadalasang nasa rural areas.

Sa Pilipinas, ang rabies ay mapanganib pa rin sa kalusugan ng publiko. Bawat taon, 200–250 Pilipino ang nawawalan ng buhay sa pinakamatinding nakakahawang sakit na ito. Ang mga batang wala pang 15 taong gulang ang dahilan ng hindi bababa sa one-third ng pagkamatay ng rabies ng tao. Ang mga lalaki ay bumubuo ng two third ng mga kaso ng rabies sa mga tao. Ang karamihan sa mga pagkamatay ng rabies ng tao ay sanhi ng mga aso, sunod ang mga pusa.

 

Bakit ang kalmot ng hayop ay mapanganib para sa rabies?

Ang mga kalmot ng hayop ay maaaring magdulot ng potensyal na panganib para sa paghahatid ng rabies dahil  ang laway ng mga nahawaang hayop ay maaaring naroroon sa kanilang mga kuko. Sa kaso ng mga hayop na nahawaan ng rabies, ang virus ay maaaring naroroon sa kanilang laway at maaaring makapasok sa katawan sa pamamagitan ng open wound o sugat dulot ng kalmot o gasgas. Nangangahulugan ito na kung ang isang indibidwal ay nakalmot ng isang hayop na nagdadala ng rabies virus, may panganib na ang virus ay maaaring maipasa sa kanilang daluyan ng dugo, na posibleng humantong sa impeksyon.

 

Mga sintomas ng rabies sa tao

Karaniwang hindi agad makikitaan ng sintomas na infected ng rabies ang pasyente. Ang katawan ay maaaring magkaroon ng dormant rabies sa loob ng ilang linggo o isa hanggang tatlong buwan. Kapag ang virus ay pumasok sa utak sa pamamagitan ng central nervous system, magsisimulang magpakita ang mga sintomas. Tinatawag ito ng mga doktor na “incubation period.”

– lagnat o trangkaso

– panghihina

– pananakit ng ulo

– iritasyon o pangangati sa parteng kinagat ng hayop

– pagduduwal o pagsusuka

Ang mga sintomas na ito ay maaaring lumala pa sa cerebral dysfunction, pagkalito, o pagkabalisa, at malfunction ng utak. Maaari rin ang sobrang pagkalikot o abnormal na kilos, hirap sa paglunok, hirap sa paghinga, o sobrang paglalaway. Habang lumalala ang sakit, ang pasyente ay maaaring magkaroon ng mga guni-guni, delirium, kakaibang pag-uugali, kawalan ng tulog o insomnia, hydrophobia (pagkatakot sa tubig), at aerophobia (pagkatakot sa hangin lalo na pagdadapuan sa mukha). Maaari ring may bahagi ng katawan na maparalisa.

Kalaunan, ang mga sintomas na ito ay nagiging daan para pumalya ang function ng baga, puso, pagkauwi sa coma, o pagkamatay.

 

Mga sintomas ng rabies sa hayop

Ang mga sintomas ng rabies sa hayop ay hindi nalalayo sa mga sintomas sa tao o gaya rin ng sumusunod:

– hindi mapakali o iritable

– naglalaway

– maaaring umatake o mangagat ng ibang hayop o tao

– hirap gumalaw o pagkaparalisa

– may ilusyong may kinakagat ngunit wala naman (fly biting)

May ibang hayop naman na may rabies na nahihiya o mailap, mabagal kumilos o walang lakas.

 

Gaano katagal nabubuhay ang taong naimpeksyon ng rabies?

Habang lumalala ang sakit, ang pasyente ay maaaring magkaroon ng mga guni-guni, pagdedeliryo, kakaibang pag-uugali, kawalan ng tulog o insomnia, hydrophobia (pagkatakot sa tubig) at aerophobia (pagkatakot sa hangin). Karaniwan, ang talamak na yugto ng sakit ay tumatagal sa pagitan ng dalawa at sampung araw. Ang rabies ay halos karaniwang nakamamatay kapag lumitaw ang mga klinikal na sintomas, at karaniwang nagbibigay ng suportang pangangalaga.

Malaking porsento na maaaring makamatay ang rabies sa taong mayroon nito. Masyadong mababa lamang ang tsansa na mabuhay ang pasyente lalo kung hindi naagapan sa una pa lamang.

 

Paano maiiwasan ang rabies?

Ang pag-iwas sa rabies ay kinabibilangan ng regular na pagbabakuna sa mga alagang hayop, pag-iwas sa pakikipag-ugnayan sa mga ligaw na hayop o wild animals, at paghingi ng agarang medikal na atensyon matapos ang anumang kagat o gasgas o kalmot ng hayop.

Sa ilang mga kaso, ang rabies ay maaaring maiwasan ang pagsisimula ng sakit kung ibibigay agad matapos ng pagkakalantad sa virus. Ang rabies ay isang seryosong concern sa kalusugan ng publiko sa maraming bahagi ng mundo, lalo na sa mga rehiyon kung saan laganap ang mga ligaw na aso.

Iwasan din ang pakainin o hawakan o makipaglaro sa mga hayop na gala.

Iwasang madilaan ang anumang sugat (o sa kung paano ito nakuha) sa hayop

 

Malalaman ba kung ang hayop o tao ay infected ng rabies?

Sa simpleng pagtingin sa hayop o tao ay hindi malalaman kung may rabbies ang mga ito, maliban na lamang kung magsasagawa ng eksaminasyon sa laboratoryo.

 

Bakit prone ang summer para sa rabies?

Ang summer ang peak season o prone para mabiktima ng rabies. Tuwing summer, mataas ang chance na lumabas ang mga tao para sa kanilang outdoor activities, dahilan na maaaring makatagpo at makagat ng hayop na may rabies. Partikular, ito rin ang panahon na mas nasa kalye ang mga bata para maglaro.

Sa iba pang dahilan, ang summer ay nagdudulot ng discomfort hindi lamang sa tao kung hindi maging sa mga hayop.

 

Ano pang hayop ang prone sa rabies?

Maliban sa mga nabanggit sa taas, lalo na ang karaniwang hayop sa Pilipinas tulad ng aso at pusa, sila ang maaaring may rabies lalo na kung sila ay mga gala. May posibilidad na  ang mga ito ay nakagat din ng ibang hayop na may rabies.

 

Mga dapat gawin kapag nakagat ng hayop na may rabies

– Hugasan nang mabuti ang sugat o kalmot na ginawa ng hayop gamit ang sabon sa tumatakbong tubig sa loob ng lima hanggang 10 minuto. Napatunayan sa pag-aaral na ang paghuhugas ay nakababawas ng impeksyon sa bacteria o pagkakaroon ng rabies. Ngunit huwag na huwag makampanteng okay na pasyente kapag nahugasan na ang sugat nito.

– Agad na dalhin sa pinakamalapit na ospital ang pasyente para sa agarang gamutan – lalo na ang pasyenteng nakagat sa ulo o bandang ulo.

– Ireport sa awtoridad ang hayop na nakakagat sa biktima upang ikulong ito at masuri nang husto. Samantala, kung nasa pagkakataon na pinatay o papatayin ang hayop dahil nakakagat, siguraduhing hindi natamaan, matatamaan o masusugatan ang ulo nito. Kailangang maayos ang utak upang masuri nang mabuti.

– Susuriin ng doktor kung anong klaseng exposure ang tinamo ng biktima mula sa hayop – kung ito ay kalmot o kagat.

– Gawin pa rin ang mga nabanggit kahit hindi siguradong rabies carrier ang hayop na kumagat o kumalmot sa pasyente.