Dahil magastos wala munang parol sa Maynila

Dahil sa sobrang magastos ang paglalagay ng parol sa Maynila, nagdesisyon ang lokal na pamahalaan nito na wala munang dekorasyong ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, aabot sa P14 milyon ang magagastos ng kanilang pamahalaan para lamang sa dekorasyon at mas prayoridad nila ang kalagayan ng kanilang mamamayan kaysa rito.

“Ito’y pinagpasyahan ko na noong nakaraang linggo pa. Pasensya na kayo ha? Wala akong ilalagay na parol sa buong Maynila. Pagpasensiyahan n’yo na ako, eh kasi that would cost us P14 million. Eh ayaw ko namang makapamuhay nang marangya tapos magdadahilan ako sa inyo nang ‘nganga,’ ayaw ko naman. Pero hindi ibig sabihin walang parol, walang Pasko. Basta ang importante sa Pasko, nandiyan ang pamilya natin,” anang alkalde.