Cutt & Grill Manila: Premyadong destinasyon ng steak enthusiasts

Steakhouse ba? May bagong destinasyon tayo para sa modernong steakhouse na kilala sa dekalidad na karne – ang Cutt & Grill Manila.

Pormal na binuksan ang restaurant noong January 9 kung saan imbitado rin ang miyembro ng media at influencers para partikular na matikman ang mga ipinagmamalaki at natatangi nilang steak.

“Thank you to everyone who took the time to join us on our grand opening. Your presence, support, and warm encouragement mean so much to our entire team. This milestone is a result of hard work, passion, and the trust you have given us from day one. We are truly grateful for the opportunity to serve you and be part of your dining moments. This is only the beginning, and we look forward to welcoming you again with even better food, service, and experiences,” ani Joren John Estipona, Country Managing Head ng Zirconia Incorporated.

Orihinal na nagsimula sa Indonesia, dinala nina Mr. Dylan De Silva, owner ng Cutt & Grill Manila, ang kalidad ng kanilang pagkain sa Pilipinas sa paniwalang may parehas itong market.

Sa official opening ng Cutt & Grill Manila, nasa seremonya ang mga guest kabilang si Mr. Dylan De Silva (gitna), owner ng kilalang steakhouse. (Kuha ng Bilibb.ph)

Mula sa mga piling-piling sangkap, hindi matatawaran ang sarap na hatid ng kanilang Dry-Aged Cuts mula sa Dry Aged Wagyu Tomahawk, Herb Butter-Aged Black Angus Striploin at Herb Butter-Aged Westholme Ribeye. Nasa inyo rin ang choices ng iba’t ibang timpla ng sauces na babagay sa panlasa ninyo mula sa Smoky BBQ Sauce, Red Wine Sauce, Black Garlic Sauce at iba. Ang mga ito ay garantisadong maghahatid ng exceptional selection of charcoal-grilled USDA steaks.

Nasa menu rin nila ang kanilang Signature Cuts gaya ng Double Entrecôte, Contre Fillet, Black Angus Porterhouse at iba pa.

Nasa hapag din ng Cutt & Grill Manila ang iba’t ibang malasang pasta tulad ng Rigatoni Cacio e Pepe, Mafaldine, Radiatori, at iba pang sarap na siguradong magugustuhan ng lahat. Hindi rin naman pahuhuli ang made-for-all na dessert gaya ng Chocolate Mud Cake, Nutella Cookie Skillet, Tiramisu at iba pa na hindi ninyo palalampasin.

Kukumpleto rin sa experience ninyo ang carefully chosen selection of wines and craft beverages na bagay sa ambience ng Cutt & Grill Manila na metikulosong dinisenyo para sa enhance dining experience. Ang restaurant’s layout ay ayos na ayos para maka-accommodate ng intimate gatherings at larger groups para lahat ng guests ay maramdaman na sila ay welcomed and valued.

Halina sa masarap, tara na sa Cutt & Grill Manila!

 

 

Cutt & Grill Manila

Ground Floor Cogon Building, Unit 106, Parqal Aseana City, Parañaque City

Opening Hours: Sunday – Thursday: 11 AM to 11 PM
Friday – Saturday: 11 AM to 12MN

Phone/WhatsApp/Viber +63 920 495 2463