Culinary Heritage Summit sa Intramuros handog ng Nayong Pilipino

Ang Asadong Kapampangan na isa sa mga putaheng itinampok sa "Mga Pamanang Lutuin Mula sa ating mga Nayon" na isang culinary summit ng Nayong Pilipino Foundation sa makasaysayang Fort Santiago sa Intramuros, sa Maynila noong Mayo 30, 2023. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Isang makabuluhang okasyon ang ginanap sa pagdaraos ng “Mga Pamanang Lutuin Mula sa ating mga Nayon” bilang handog ng Nayong Pilipino Foundation (NPF) sa pagtatapos ng Heritage Month. Ito ay ginanap itong Mayo 30, 2023 sa makasaysayang Fort Santiago sa Intramuros, sa Maynila. Ito ay dinaluhan ng mga mag-aaral ng culinary o mga kaugnayan sa kurso.

Sa kanyang talumpati na binasa ni NPF Programs Unit Head Josephine Grace Mirafuentes, binigyang-diin ni Executive Director Gertie Duran-Batocabe ang kahalagahan ng Filipino food education.

“Sharing food and cooking techniques will give the younger generations a chance to learn about their culture. Giving culture a taste, a smell, and a feeling can increase respect and understanding between groups of people,” ani Batocabe.

Ang pormal na pagbubukas ng summit ay ginampanan ni Dr. Michelle Eusebio mula sa University of the Philippines – Diliman na may maikling panayam na pinamagatang, “Food and Foodways in the Philippines’ Distant Past”.

Ipinakita ni Ige Ramos, isang kilalang manunulat at publisher ng pagkain, ang isang paboritong pagkaing Pilipino, ang recipe ng Maria Orosa 1922 Pork Adobo. Samantala, si Karen Shih, isang dalubhasa sa Kapampangan heritage at culinary research, ay nagbahagi ng kanyang kadalubhasaan sa paghahanda ng klasikong Asadong Kapampangan at nagbigay ng napakahalagang mga tip sa kung paano itanghal ang ulam sa pinakamahusay nitong anyo. Ang kaganapan ay maingat na pinangasiwaan ng Philippine Culinary Heritage Explorer, Curator, TV Host, at Producer na si Clang Garcia.

Sina Ige Ramos, Karen Shih, at Clang Garcia habang isinasagawa ang “Mga Pamanang Lutuin Mula sa ating mga Nayon” na isang culinary summit ng Nayong Pilipino Foundation na isinagawa noong Mayo 30, 2023 sa makasaysayang Fort Santiago sa Intramuros, sa Maynila. (Kuha ni Teddy Pelaez)
Ang lutuin ni Ige Ramos na “Maria Orosa 1922 Pork Adobo recipe”. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Sa panahon ng summit, nakalap ang mahahalagang insight mula sa mga resource speaker tungkol sa pag-promote at pag-angat ng Filipino cuisine lampas sa itinalagang buwan para dito. Binigyang-diin din sa kaganapan ang kahalagahan ng mga culinary summit sa pagkilala at pagdiriwang sa mga masisipag na indibidwal na kabilang sa paggawa ng mga pagkaing Pilipino, mula sa mga bihasang magluto sa kusina hanggang sa masisipag na magsasaka at mangingisda na nagsusuplay ng mga sangkap.

Si Karen Shih habang ipinakikita ang pagluluto ng kanyang Asadong Kapampangan. (Kuha ni Teddy Pelaez)

Ang summit ay nagsilbing plataporma para sa komunidad ng pagkain na magpalitan ng mga ideya at magtrabaho patungo sa iisang layunin na isulong ang mayamang pamana ng culinary ng Pilipinas sa mas malawak na madla.

Ang mga bumubuo sa “Mga Pamanang Lutuin Mula sa ating mga Nayon” kabilang ang mga mag-aaral ng culinary o mga kaugnayan sa kurso, na isang culinary summit ng Nayong Pilipino Foundation na isinagawa noong Mayo 30, 2023 sa makasaysayang Fort Santiago sa Intramuros, sa Maynila. (Kuha ni Teddy Pelaez)